Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Gawa 1:15-17

15 At sa mga araw na iyon, si Pedro ay tumindig sa kalagitnaan ng mga alagad. Ang bilang ng pangalan ng mga nagtipon ay halos isangdaan at dalawampu. 16 Sinabi niya: Mga kapatid, kinakailangang maganap ang kasulatang ito na sinabi ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng bibig ni David. Ito ay ang patungkol kay Judas na naging gabay ng mga dumakip kay Jesus. 17 Ito ay sapagkat siya ay napabilang sa atin at nagkaroon ng bahagi sa paglilingkod na ito.

Gawa 1:21-26

21 Kaya nga, kinakailangang pumili tayo sa mga lalaking nakasama sa buong panahon na ang Panginoong Jesus ay pumaparoon at pumaparitong kasama natin. 22 Kailangang nakasama natin siya mula sa pagbabawtismo ni Juan hanggang sa araw na siya ay dinala paitaas mula sa atin. Pipiliin natin ang isa sa kanila upang maging kasama nating tagapagpatotoo patungkol sa kaniyang pagkabuhay na mag-uli.

23 At nagmungkahi sila ng dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas na ang palayaw ay Justo, at si Matias. 24 Nanalangin sila at nagsabi: Ikaw Panginoon ang nakakaalam ng mga puso ng lahat. Ipakita mo kung sino sa dalawang ito ang iyong pinili. 25 Ipakita mo kung sino ang tatanggap ng bahagi ng paglilingkod na ito at ng pagka-apostol na kung saan si Judas ay sumalangsang. Nangyari ito upang siya ay pumaroon sa dakong karapat-dapat sa kaniya. 26 Sila ay nagpalabunutan at si Matias ang napili. Siya ay ibinilang sa labing-isang apostol.

1 Juan 5:9-13

Yamang tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, higit na dakila ang patotoo ng Diyos sapagkat ito ang patotoo ng Diyos na pinapatunayan niya patungkol sa kaniyang Anak. 10 Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay nagtataglay ng patotoo sa kaniyang sarili. Ang hindi sumasampalataya sa Diyos, siya ang nagsasabi na ang Diyos ay sinungaling sapagkat hindi niya sinampalatayanan ang patotoo na pinatotohanan ng Diyos patungkol sa kaniyang Anak. 11 At ito ang patotoo: Binigyan tayo ng Diyos ng buhay na walang hanggan at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. 12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay. Siya na hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay.

Mga Panghuling Salita

13 Isinulat ko ang mga bagay na ito sa inyo na sumasampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos upanginyong malaman na kayo ay may buhay na walang hanggan at upang kayo ay sumampalataya sa pangalan ng Anak ng Diyos.

Juan 17:6-19

Ipinanalangin ni Jesus ang mga Alagad

Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sangkatauhan. Sila ay iyo at ibinigay mo sila sa akin. Tinupad nila ang iyong salita.

Ngayon ay alam nila na lahat ng mga bagay na ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo. Ito ay sapagkat ibinigay ko sa kanila ang mga salitang ibinigay mo sa akin. Tinanggap nila ang mga ito. Totoong alam nila na ako ay nagmula sa iyo. Sila ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinapanalangin ko sila. Hindi ko ipinapanalangin ang sangkatauhan kundi sila na ibinigay mo sa akin sapagkat sila ay iyo. 10 Ang lahat ng sa akin ay iyo at ang mga sa iyo ay akin. Ako ay naluluwalhati sa kanila. 11 Ngayon ay wala na ako sa sanlibutan ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Ako ay patungo sa iyo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa iyong pangalan, sila na ibinigay mo sa akin. Ingatan mo sila upang sila ay maging isa, kung papaanong tayo ay isa. 12 Nang ako ay kasama nila sa sanlibutan ay iningatan ko sila sa iyongpangalan. Ang mga ibinigay mo sa akin ay iningatan ko. Walang sinuman sa kanila ang napahamak maliban sa kaniya na anak ng kapahamakan upang ang kasulatan ay matupad.

13 Pupunta ako sa iyo ngayon. Ang mga bagay na ito ay sinasabi ko sa sanlibutan upang ang aking kagalakan ay malubos sa kanila. 14 Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita. Sila ay kinapootan ng sangkatauhan dahil silaay hindi taga-sanlibutan, tulad ko rin na hindi taga-sanlibutan. 15 Hindi ko idinadalangin na kunin mo sila sa sanlibutan kundi ingatan mo sila mula sa kaniya na masama. 16 Sila ay hindi taga-sanlibutan tulad ko na hindi taga-sanlibutan. 17 Pakabanalin mo sila sa pamama­gitan ng iyong katotohanan. Ang iyong salita ay katoto­hanan. 18 Kung papaanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman sinugo ko sila sa sanlibutan. 19 Para sa kanilang kapakanan pinabanal ko ang aking sarili upang sila ay maging banal din naman sa pamamagitan ng katotohanan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International