Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Si Jesus ang Dakilang Pinakapunong-saserdote
14 Kaya nga, yamang tayo ay may isang dakilang pinakapunong-saserdote, si Jesus na Anak ng Diyos na dumaan sa mga langit, tayo ay magpakatatag sa ating ipinahahayag.
15 Sapagkat wala tayong pinakapunong-saserdote na hindi maaaring makiramay sa ating mga kahinaan. Siya ay sinubok sa lahat ng paraan katulad natin ngunit siya ay hindi nagkasala. 16 Kaya nga, dumulog tayo sa trono ng biyaya na may malaking pagtitiwala upang tayo ay tumanggap ng habag at biyaya na makatutulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
5 Sapagkat ang bawat pinakapunong-saserdote ay kinuha mula sa mga kalalakihan upang siya ang dapat na kumatawan sa kanila sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos at upang siya ay naghandog ng mga kaloob at mga handog para sa kasalanan. 2 Yamang siya rin naman ay napapaligiran ng kahinaan, maaari siyang makitungo nang mahinahon sa mga mangmang at sa mga naliligaw. 3 Dahil dito, kailangan niyang maghandog ng mga handog para sa kasalanan. Kung papaanong siya ay naghandog para sa mga tao, gayundin naman ay maghandog siya para sa kaniyang sarili.
4 Walang sinumang nag-angkin ng karangalang ito para sa kaniyang sarili, kundi siya na tinawag ng Diyos tulad ng kaniyang pagkatawag kay Aaron.
Copyright © 1998 by Bibles International