Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Efeso 2:1-10

Binuhay kay Cristo

At patungkol sa inyo, kayo ay dating mga patay na sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan.

Sa mga ito dati kayong namuhay ayon sa takbuhin ng sanlibutang ito, ayon sa pinuno ng kapamahalaan ng hangin, ang espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway. Tayo noon ay nag-asal na kasama nila ayon sa mga nasa ng ating laman. Ginagawa natin ang nasa ng laman at ng mga kaisipan. Tayo rin ay likas na mga anak na kinapopootan tulad ng iba. Ngunit, ang Diyos ay sagana sa kahabagan. Sa pamamagitan ng kaniyang dakilang pag-ibig, tayo ay inibig niya. Kahit noong tayo ay patay sa ating mga pagsalangsang ay binuhay niya tayong kasama ni Cristo. Sa pamamagitan ng biyaya kayo ay naligtas. Tayo ay kasamang binuhay at kasamang pinaupo sa kalangitan kay Cristo Jesus. Ito ay upang maipakita niya sa darating na mga kapanahunan ang nakakahigit na yaman ng kaniyang biyaya, sa kaniyang kabutihan sa atin sa pamama­gitan ni Cristo Jesus. Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos. Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi magmalaki ang sinuman. 10 Ito ay sapagkat tayo ay kaniyang mga likha na nilikha ng Diyos kay Cristo Jesus para sa mga mabuting gawa, na inihanda ng Diyos noong una na dapat nating ipamuhay.

Juan 3:14-21

14 Kung papaanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng Tao. 15 Ito ay upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

16 Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Ito ay sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamama­gitan niya. 18 Siya na sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan. Ang hindi sumasampalataya ay nahatulan na sapagkat siya ay hindi sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Diyos. 19 Ito ang hatol: Ang ilaw ay dumating sa sanlibutan at inibig ng mga tao ang kadiliman kaysa sa ilaw sapagkat ang kanilang mga gawa ay masasama. 20 Ito ay sapagkat ang bawat isang gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw. Hindi siya lumalapit sa ilaw upang hindi malantad ang kaniyang mga gawa. 21 Siya na nagsasagawa ng katotohanan ay pumupunta sa ilaw upang maihayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa pamamagitan ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International