Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Efeso 1:7-14

Na sa kaniya, ayon sa kasaganaanng kanyang biyaya, tayo ay mayroong katubusan sa pamama­gitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran sa mga kasalanan. Pinasagana niya ang mga ito para sa atin sa lahat ng karunungan at kaalaman. Ginawa niya ito pagkatapos niyang ipaalam sa atin ang lahat ng hiwaga ng kaniyang kalooban ayon sa kaniyang mabuting kaluguran na nilayon niya sa kaniyang sarili. 10 Ito ay para sa pangangasiwa ng kaganapan ng mga panahon na ang lahat ng mga bagay ay kaniyang pag-isahin kay Cristo, kapwa mga bagay sa kalangitan at mga bagay sa lupa.

11 Sa kaniya rin tayo ay nagkamit ng mana. Itinalaga niya tayo nang una pa ayon sa layunin niya na gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa layunin ng kaniyang kalooban. 12 Ito ay upang tayo na mga naunang nagtiwala kay Cristo ay maging sa kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian. 13 Sumampalataya rin kayo kay Cristo, pagkarinig ninyo ng salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan. Sa kaniya rin naman, pagkatapos ninyong sumampalataya, ay tinatakan kayo ng Banal na Espiritu na ipinangako. 14 Ang Banal na Espiritu ang katiyakan ng ating mana, hanggang sa pagtubos ng biniling pag-aari para sa kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International