Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
2 Corinto 4:3-6

Kung ang ebanghelyo namin ay natatago, ito ay natatago sa kanila na napapahamak. Binulag ng diyos ng kapanahunang ito ang mga kaisipan ng mga hindi sumampalataya upang hindi lumiwanag sa kanila ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo na siyang anyo ng Diyos. Hindi namin ipinangangaral ang aming sarili kundi si Cristo Jesus na Panginoon at ang aming sarili ay inyong mga alipin alang-alang kay Cristo. Ang Diyos na nag-utos na mula sa kadiliman aymagliwanag ang ilaw ang siyang nagliwanag sa aming mga puso. Ito ay upang magliwanag ang kaalaman ng kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng mukha ni Jesucristo.

Marcos 9:2-9

Ang Pagbabagong Anyo

Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at Juan. Dinala niya silang bukod sa mataas na bundok na sila lang ang naroroon. Siya ay nagbagong anyo sa harap nila.

Ang kaniyang kasuotan ay naging makinang, pumuti na gaya ng niyebe. Walang tagapagpaputi ng damit sa lupa ang makapag­papaputi ng ganoon. Si Elias, kasama ni Moises ay nagpakita sa kanila na nakikipag-usap kay Jesus.

Si Pedro ay nagsabi kay Jesus: Guro, mabuti para sa amin na kami ay naririto. Magtatayo kami ng tatlong kubol, isa para sa iyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin sapagkat sila ay takot na takot.

At dumating ang isang ulap at nililiman sila. Narinig nila ang isang tinig mula sa ulap na nagsasabi: Ito ang minamahal kong Anak, pakinggan ninyo siya.

Ngunit kapagdaka sa pagtingin nila sa paligid, wala na silang nakitang sinuman kundi si Jesus na lamang na kasama nila.

Habang sila ay bumababa mula sa bundok, pinagbilinan sila ni Jesus na huwag nilang sabihin kaninuman ang kanilang nakita malibang mabuhay mula sa mga patay ang Anak ng Tao.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International