Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
16 Ito ay sapagkat kahit na ipinapangaral ko ang ebanghelyo, wala akong anumang maipagmamalaki dahil kinakailangan kong ipangaral ito. Ngunit sa aba ko, kapag hindi ko ipangaral ang ebanghelyo. 17 Kapag ito ay ginawa ko nang kusang loob, mayroon akong gantimpala. Kapag ginawa ko ito nang labag sa aking kalooban, isang tungkulin pa rin ito na ipinagkatiwala sa akin. 18 Ano ngayon ang gantimpala ko? Ang gantimpala ko ay kung ipangaral ko ang ebanghelyo ni Cristo, ipinangangaral ko ang ebanghelyo ng walang bayad. Upang sa gayon ay hindi ko gagamitin ang sarili kong kapamahalaan sa ebanghelyo.
19 Ito ay sapagkat kahit na ako ay malaya mula sa kaninuman, gayunman, ginawa ko ang aking sarili na alipin ng lahat upang lalo pang marami ang madala ko. 20 Sa mga Judio ako ay naging Judio upang mahikayat ko ang mga Judio. Sa mga nasa ilalim ng kautusan ako ay naging tulad ng mga nasa ilalim upang madala ko sila na nasa ilalim ng kautusan. 21 Sa mga walang kautusan, ako ay naging tulad sa mga walang kautusan upang madala ko sila na walang kautusan.Hindi sa ako ay walang kautusan patungo sa Diyos subalit ako ay sa ilalim ng kautusan patungo kay Cristo. 22 Sa mga mahihina ako ay naging mahina upang madala ko ang mga mahihina. Naging ganito ako sa lahat ng bagay upang mailigtas ko sa bawat kaparaanan kahit ang ilan. 23 Ito ay ginagawa ko alang-alang sa ebanghelyo nang sa gayon ako ay maging kapwa kabahagi ng ebanghelyo.
29 Agad silang umalis sa sinagoga at pumunta sa bahay nina Simon at Andres. Kasama nila sina Santiago at Juan. 30 Ang ina ng asawa ni Simon ay nakaratay na nilalagnat. Agad nilang sinabi kay Jesus ang patungkol sa kaniya. 31 Nilapitan siya at ibinangon ni Jesus na hawak ang kaniyang kamay. Kaagad na inibsan ng lagnat ang babae at naglingkod sa kanila.
32 Sa pagdapit-hapon, pagkalubog ng araw, dinala nila kay Jesus ang lahat ng mga maysakit at ang mga inaalihan ng demonyo. 33 Ang buong lungsod ay nagkatipon sa may pintuan. 34 Marami siyang pinagaling na may iba’t ibang sakit. Nagpalayas din siya ng maraming demonyo. Hindi niya pinayagang magsalita ang mga demonyo sapagkat kilala nila kung sino siya.
Nanalangin si Jesus sa Isang Tahimik na Dako
35 Nang madaling-araw na, habang madilim pa, si Jesus ay bumangon at lumabas. Pumunta siya sa ilang na dako at doon ay nanalangin.
36 Hinanap siya ni Simon at ng kaniyang mga kasama. 37 Nang makita nila siya ay sinabi nila: Hinahanap ka ng lahat!
38 Sinabi niya sa kanila: Tayo na sa mga kabayanan upang makapangaral din ako roon sapagkat iyan ang layon ng pagparito ko. 39 Kaya sa buong Galilea, si Jesus ay nangaral sa kanilang mga sinagoga at nagpalayas ng mga demonyo.
Copyright © 1998 by Bibles International