Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang Sulat Para sa Iglesiya sa Pergamo
12 Sumulat ka sa anghel ng iglesiya sa Pergamo:
Ako na may matalas na tabak, na may dalawang talim, ay nagsasabi ng mga bagay na ito:
13 Nalalaman ko ang iyong mga gawa at kung saan ka nakatira. Nakatira ka sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas. Nanghawakan kang patuloy sa aking pangalan at hindi mo tinalikdan ang aking pananampalataya kahit sa araw na pinatay nila si Antipas na aking tapat na saksi sa inyong kalagitnaan, na tinatahanan ni Satanas.
14 Subalit mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagkat mayroon sa inyo na ang pinanghawakan ay ang katuruan ni Balaam. Tinuruan ni Balaam si Barak na maglagay ng katitisuran sa harap ng mga anak ni Israel. Ang katitisuran ay ang kumain sila ng mga inihain sa mga diyos-diyosan at sila ay nakiapid. 15 Sila rin yaong nanghahawakan sa katuruan ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko. 16 Magsisi ka! Kung hindi ka magsisisi, kaagad akong pupunta riyan. Makikipaglaban ako sa kanila sa pamamagitan ng tabak sa aking bibig.
17 Ang may pandinig ay makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya. Ibibigay ko sa magtatagumpay ang karapatang kumain ng manang itinago ng Diyos. Bibigyan ko siya ng isang puting bato kung saan isinulat ko ang isang bagong pangalan na walang sinumang nakakaalam sa pangalan maliban lang sa makakatanggap nito.
Copyright © 1998 by Bibles International