Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Corinto 7:17-24

17 Ngunit kung ano nga ang itinakda ng Diyos sa bawat tao, mamuhay nawa siya ng ganoon. Kung paano tinawag ng Pangi­noon ang bawat isa, gayundin ang tagubilin ko sa mga iglesiya. 18 Mayroon bang tinatawag sa pagiging nasa pagtutuli? Huwag siyang maging hindi tuli. Mayroon bang tinatawag sa hindi pagiging nasa pagtutuli? Huwag siyang gawing tuli. 19 Ang pagtutuli ay walang halaga, ang hindi pagtutuli ay walang halaga. Ang mahalaga ay ang pagsunod sa utos ng Diyos. 20 Ang bawat tao ay manatili sa pagkatawag sa kaniya. 21 Tinawag ka ba na alipin? Huwag mong ikabahala iyon. Kung maaari kang maging malaya, gamitin mo ang kalayaang iyon. 22 Ito ay sapagkat siya na tinawag na isang alipin sa Panginoon ay malaya sa Panginoon. Gayundin siya na tinawag na isang malaya sa Panginoon ay isang alipin ni Cristo. 23 Kayo ay biniling may halaga, huwag kayong paalipin sa mga tao. 24 Mga kapatid, ang bawat tao ay panatilihing kasama ng Diyos sa tawag naitinawag sa kaniya.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International