Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Pahayag 18:11-20

11 At ang mga mangangalakal sa lupa ay tatangis at magluluksa para sa kaniya. Sila ay tatangis sapagkat wala nang bibili ng kanilang mga kalakal. 12 Ang kanilang mga kalakal ay ginto, pilak, mamahaling mga bato at mga perlas. Kabilang dito ay mga kayong linong tela, kulay ubeng tela, sutlang tela, pulang tela at mabangong kahoy. Kabilang din ay mga bagay na ginawa mula sa garing at lahat ng uri ng bagay na ginawa mula sa napakamamahaling kahoy. Kabilang pa rin ay mga bagay na ginawa mula sa tanso, bakal at marmol. 13 Ang kanilang mga kalakal ay kanela, insenso, pamahid, kamangyan, alak, langis at pinong harina, trigo, mga baka, mga tupa, mga kabayo, mga karuwahe, mga katawan at mga kaluluwa ng mga tao.

14 At sasabihin nila: Ang hinog na mga bunga na masidhing ninanasa ng iyong kaluluwa ay nawala sa iyo. Lahat ng matatabang bagay at ang mga maniningning na bagay ay nawala sa iyo. At kailanman ay hindi mo na makikita ang mga ito. 15 Sapagkat natatakot sila sa pahirap sa kaniya, ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito ay tatayo sa malayo. Sila yaong mga yumaman dahil sa kaniya. Sila ay tatangis at magluluksa. 16 At sasabihin nila:

Aba! Aba! Ito ang dakilang lungsod na naramtan ng kayong telang lino, ubeng tela at pulang tela. Ginayakan niya ang kaniyang sarili ng ginto, mamahaling mga bato at mga perlas.

17 Ito ay sapagkat sa loob ng isang oras ang gayon kalaking kayamanan ay mauuwi sa wala.

Ang lahat ng kapitan at lahat ng may mga tungkulin sa mga barko, at ang mga magdaragat at lahat ng mga mangangalakal sa dagat ay nakatayo sa malayo.

18 Nang makita nila ang usok mula sa pagkakasunog sa kaniya, sinabi nila: Anong lungsod ang kasingdakila ng lungsod na ito? 19 At sila ay nagbuhos ng alikabok sa kanilang mga ulo. Sila ay tumatangis at nana­naghoy at sumisigaw na sinasabi:

Aba! Aba! Ito ang dakilang lungsod na nagpayaman sa atin. Tayo na may mga barko sa dagat ay yumaman dahil sa kaniyang kayamanan. Sapagkat sa loob ng isang oras siya ay nawasak.

20 O magalak ka langit dahil sa kaniya! At kayong mga banal at mga apostol at mga propeta ay magalak. Siya ay hinatulan ng Diyos para sa inyong kapakanan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International