Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
2 Corinto 10:1-11

Ipinagtanggol ni Pablo ang Kaniyang Gawain ng Paglilingkod

10 Akong si Pablo ay namamanhik sa inyo sa pamama­gitan ng kababaang-loob at kaamuan ni Cristo. Ako ay may mababang-loob kapag kaharap ninyo ngunit kapag hindi ay matapang.

Isinasamo ko na kung ako ay kaharap na ninyo, hindi ako dapat matapang sa mga mananampalataya tulad ng aking balak na maging malakas ang loob sa ibang tao na nagtuturing sa amin na kami ay namumuhay ayon sa laman. Ito ay sapagkat kahit na namumuhay kami sa laman, hindi kami nakikipaglaban ayon sa laman. Ito ay sapagkat ang aming mga sandata sa labanang ito ay hindi pantao. Subalit ito ay makapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos na makaka­pagpabagsak ng matitibay nakuta. Ibinabagsak nito ang mga pag-iisip at bawat matataas na bagay na nagtataas sa kaniyang sarili laban sa kaalaman ng Diyos. Dinadala nitong alipin ang bawat kaisipan patungo sa pagsunod kay Cristo. Ito ay handang maghiganti sa lahat ng pagsuway kapag naganap na ang inyong pagsunod.

Tinitingnan ba ninyo ang mga bagay sa panlabas na anyo? Kung ang sinuman ay naniniwala sa kaniyang sarili na siya ay kay Cristo, isipin niyang muli ito. Kung siya ay kay Cristo, kami rin naman ay kay Cristo. Kahit na ako man ay nagmamalaki nang lubos patungkol sa aming kapamahalaan, hindi ako mahihiya sapagkat ang kapamahalaan namin ay ibinigay ng Panginoon sa amin para sa inyong ikatitibay at hindi para sa inyong ikababagsak. Ito ay upang hindi ako maging parang nananakot sa inyo sa pamamagitan ng mga sulat. 10 Ito ay sapagkat may nagsasabi: Ang mga sulat niya ay mabibigat at malalakas, ngunit kung nakaharap, siya ay mahina at ang kaniyang salita ay walang halaga. 11 Isaalang-alang ito ng isang iyon. Kung papaano kami sa salita sa pamamagitan ng sulat kung kami ay wala, gayundin ang aming gawa kung kami ay nakaharap.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International