Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Pahayag 8:6-9:12

Ang mga Trumpeta

Inihanda ng pitong anghel, na may pitong trumpeta, ang kanilang mga sarili upang hipan ang kanilang mga trumpeta.

Hinipan ng unang anghel ang kaniyang trumpeta. Bumagsak ang graniso at apoy na may kahalong dugo. Inihagis ito sa lupa. Ika-tatlong bahagi ng mga punong-kahoy ang nasunog at lahat ng sariwang damo ay nasunog.

Hinipan ng pangalawang anghel ang kaniyang trumpeta. At isang katulad ng malaking bundok na nagliliyab, ito ay itinapon sa dagat. At ang ika-tatlong bahagi ng dagat ay naging dugo. At ang ika-tatlong bahagi ng mga buhay na nilalang na nasa dagat ang namatayat ang ika-tatlong bahagi ng mga sasakyang dagat ay nawasak.

10 Hinipan ng pangatlong anghel ang kaniyang trumpeta. Isang malaking bituin ang bumagsak mula sa langit na nagniningas na katulad ng isang ilawan. At ito ay bumagsak sa ikatlong bahagi sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig. 11 Ang pangalan ng bituin ay Kapaitan. Ang ika-tatlong bahagi ng tubig ay pumait. Maraming tao ang namatay dahil pumait ang tubig.

12 Hinipan ng pang-apat na anghel ang kaniyang trumpeta. Napinsala ang ika-tatlong bahagi ng araw at ang ika-tatlong bahagi ng buwan at ang ika-tatlong bahagi ng mga bituin upang magdilim ang ika-tatlong bahagi nito at ang ika-tatlong bahagi ng isang araw ay hindi magliliwanag at gayundin ng sa gabi.

13 At nakita ko at narinig ang isang anghel na lumilipad sa gitna ng langit na nagsasabi sa malakas na tinig: Sa aba, sa aba, sa aba sa kanila na naninirahan sa lupa dahil sa nananatili pang tunog ng trumpeta ng tatlong anghel na kanila pang hihipan.

Hinipan ng panglimang anghel ang kaniyang trumpeta. At nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa buhat sa langit. Ibinigay sa kaniya ang susi ng walang hanggang kala­liman. At binuksan niya ang walang hanggang kalaliman. Pumailanlang ang usok na lumabas mula sa kalalim-lalimang hukay katulad ng usok na nagmumula sa isang napakalaking pugon. Ang araw at ang hangin ay dumilim dahil sa usok. Buhat sa usok ay lumabas ang mga balang sa ibabaw ng lupa. Binigyan sila ng kapamahalaang katulad ng kapamahalaang taglay ng mga alakdan sa lupa. At sinabi sa kanila na huwag nilang pipinsalain ang mga damo sa lupa o anumang bagay na luntian at ang mga punong-kahoy. Ang pipinsalain lamangnila ay ang mga taong walang tatak ng Diyos sa kanilang noo. Hindi sila binigyan ng pahintulot na patayin ang mga tao. Pahihirapan lamang nila sila sa loob ng limang buwan. Ang pagpapahirap na ito ay katulad ng sakit na nararanasan ngtaong kinagat ng alakdan. Sa mga araw na iyon, hahanapin ng mga tao ang kamatayan ngunit hindi nila matatagpuan. Magpapakamatay sila ngunit lalayuan sila ng kamatayan.

Ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong inihanda para sa labanan. Sa kanilang mga ulo ay mayroong gantimpalang putong katulad ng ginto. Ang kanilang mga mukha ay katulad ng mga mukha ng tao. May mga buhok silang katulad ng buhok ng babae. Ang kanilang mga ngipin ay katulad ng ngipin ng leon. May mga baluti sila sa dibdib na katulad ng mga baluting bakal. Ang ugong ng kanilang mga pakpak ay katulad ng ugong ng mga karuwahe ng mga kabayong dumadaluhong sa labanan. 10 May mga buntot sila at tibo na katulad ng mga alakdan. May kapamahalaan silang saktan ang tao sa loob ng limang buwan. 11 Mayroon silang hari na namumuno sa kanila. Siya ay ang anghel sa walang hanggang kalaliman. Ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abadon.[a] Sa wikang Griyego ito ay Apolyon.

12 Natapos na ang unang kaabahan. Pagkatapos ng mga bagay na ito, dalawa pang kaabahan ang darating.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International