Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
39 Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat sa palagay ninyo na sa mga ito ay may buhay na walang hanggan. Ang mga kasulatang ito ang nagpapatotoo patungkol sa akin. 40 Ayaw ninyong lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay.
41 Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatian mula sa mga tao. 42 Subalit kilala ko kayo, na sa inyong sarili ay wala kayong pag-ibig sa Diyos. 43 Pumarito ako sa pangalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinanggap. Kapag may ibang pumarito sa kaniyang sariling pangalan ay siya ninyong tatanggapin. 44 Papaano kayo makakasampalataya, kayo na tumatanggap ng kaluwalhatian sa isa’t isa? At hindi ninyo hinahanap ang parangal na nagmumula sa iisang Diyos.
45 Huwag ninyong isiping pararatangan ko kayo sa Ama. Si Moises na inyong inasahan ang siyang magpaparatang sa inyo. 46 Yamang sumampalataya kayo kay Moises ay sasampalataya rin kayo sa akin. Ito ay sapagkat siya ay sumulat patungkol sa akin. 47 Yamang hindi ninyo sinasampalatayanan ang kaniyang mga sinulat papaano ninyo sasampalatayanan ang aking mga salita?
Copyright © 1998 by Bibles International