Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
21 Pagkatapos, isang malakas na anghel ang kumuha ng isang bato na katulad ng isang malaking gilingang bato. At inihagis niya ito sa dagat. Sinabi niya:
Sa ganitong kabagsik na paraan, ihahagis ng Diyos ang dakilang lungsod ng Babilonya. At kailanman ay hindi na ito muling makikita.
22 Wala nang sinumang makakarinig mula sa iyo ng tugtog ng mga manunugtog ng kudyapi, o mga musikero, o mga taga-ihip ng plawta o taga-ihip ng trumpeta. Wala nang manggagawa ang gagawa ng anumang pangangalakal sa iyo. Wala nang maririnig sa iyo na ingay ng gilingang bato. 23 At ang liwanag ng isang ilawan ay hindi na magliliwanag sa iyo. Wala nang sinumang makakarinig sa iyo ng tinig ng lalaking ikakasal o tinig ng babaeng ikakasal. Ang iyong mga mangangalakal ay naging mga dakilang tao sa lupa. Iniligaw mo ang mga tao sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng iyong panggagaway. 24 Sa kaniya ay natagpuan ng mga tao ang dugo ng mga propeta at mga banal. Natagpuan nila sa kaniya ang dugo ng lahat ng mga taong pinatay sa lupa.
Copyright © 1998 by Bibles International