Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
17 Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago. 18 Ang lahat ng mga bagay ay sa Diyos. Sa pamamagitan ni Jesucristo dinala niya tayo upang ipagkasundo sa kaniya. At ibinigay niya sa atin ang gawain ng paglilingkod para sa pakikipagkasundo. 19 Papaanong sa pamamagitan ni Cristo ay ipinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan sa kaniyang sarili, na hindi niya ibinibilang sa kanila ang kanilang mga pagsalangsang. Ipinagkatiwala niya sa amin ang salita ng pakikipagkasundo. 20 Para kay Cristo, kami nga ay mga kinatawan na waring ang Diyos ang namamanhik sa pamamagitan namin. Nagsusumamo kami alang-alang kay Cristo na makipagkasundo kayong muli sa Diyos. 21 Ito ay sapagkat siya na hindi nagkasala ay ginawang kasalanan para sa atin upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa kaniya.
Copyright © 1998 by Bibles International