Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Mateo 18:1-5

Sino ang Pinakadakila?

18 Nang oras na iyon, lumapit ang mga alagad kay Jesus na sinasabi: Sino ang pinakadakila sa paghahari ng langit?

Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at inilagay sa kalagitnaan nila. Sinabi niya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Malibang kayo ay magbago at tumulad sa maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa paghahari ng langit. Kaya nga, ang sinumang magpapakumbaba katulad ng maliit na batang ito ay siyang pinakadakila sa paghahari ng langit.

Sinumang tumanggap sa isa sa maliit na batang katulad nito sa aking pangalan, ako ang tinatanggap.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International