Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
13 Kaya nga, huwag na tayong humatol sa isa’t isa. Subalit sa halip, ito ang dapat na pagpasiyahan nating gawin: Huwag tayong maglagay ng batong katitisuran o anumang bagay na magiging sanhi ng pagbagsak ng isang kapatid. 14 Alam ko at nakakatiyak ako sa Panginoong Jesus na walang bagay na likas na marumi. Kung kinikilala ng isang tao na ang isang bagay ay marumi, para sa kaniya iyon nga ay marumi. 15 Ngunit kung ang iyong kinakain ay nakakapagbigay ng kapighatian sa iyong kapatid, hindi ka na namumuhay sa pag-ibig. Huwag mong sirain sa pamamagitan ng iyong kinakain ang iyong kapatid na dahil sa kaniya ay namatay si Cristo. 16 Kaya nga, huwag mong hayaan na ang mabubuti mong gawa ay masamain. 17 Ito ay sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi sa pagkain o sa pag-inom. Subalit ito ay sa katuwiran sa kapayapaan at kagalakan sa Banal na Espiritu. 18 Ito ay sapagkat siya na naglilingkod kay Cristo sa ganitong paraan ay nagbibigay-lugod sa Diyos at katanggap-tanggap sa mga tao.
19 Kaya nga, sikapin nating abutin ang mga bagay ng kapayapaan at mga bagay na makakapagpatibay sa isa’t isa. 20 Huwag mong sirain ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain. Tunay na ang lahat ng bagay ay malinis. Subalit, para sa ibang tao, masama na siya ay kumakain kung ito ay magiging katitisuran. 21 Higit na mabuti ang hindi kumain ng laman, o uminom ng alak, o gumawa ng anumang bagay na makakatisod, o makakapagdulot ng pagdaramdam o makakapagpahina sa iyong kapatid.
22 Ang pananampalatayang nasa iyo ay iyong panatilihin sa iyo, sa harap ng Diyos. Pinagpala ang taong walang kahatulan sa sarili dahil sa mga kinikilala niyang katanggap-tanggap. 23 Ang nag-aalinlangan kapag kumain ayhinatulan na dahil hindi siya kumakain na may pananampalataya. Ang lahat ng bagay na hindi sa pananampalataya ay kasalanan.
15 Tayong malalakas ay dapat magbata ng mga kahinaan ng mga mahihina, at hindi upang bigyan ng kaluguran ang ating mga sarili. 2 Ito ay sapagkat ang bawat isa sa atinay dapat magbigay-lugod sa ikatitibay ng kaniyang kapwa.
Copyright © 1998 by Bibles International