Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
7 Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong gamitin ang mga walang kabuluhang paulit-ulit na mga panalangin gaya ng ginagawa ng mga Gentil. Ito ay sapagkat nananalangin sila nang paulit-ulit dahil sa kanilang palagay ay diringgin sila sa dami ng kanilang salita. 8 Huwag ninyo silang tularan sapagkat alam na ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan bago pa man kayo humingi sa kaniya.
9 Manalangin kayo sa ganitong paraan:
Ama namin na nasa langit, pakabanalin ang pangalan mo.
10 Dumating nawa ang paghahari mo. Mangyari nawa ang kalooban mo dito sa lupa gaya ng sa langit. 11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. 12 Patawarin mo kami sa aming pagkakautang, gaya naman ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin. 13 Huwag mo kaming dalhin sa tukso, sa halip iligtas mo kami sa masama, sapagkat iyo ang paghahari, ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.
14 Ito ay sapagkat kung patawarin ninyo ang mga tao sa kanilang pagsalangsang, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15 Ngunit kung hindi ninyo patawarin ang mga tao sa kanilang mga pagsalangsang, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama sa inyong pagsalangsang.
Copyright © 1998 by Bibles International