Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Roma 12:9-21

Pag-ibig

Ang pag-ibig ay dapat walang pakunwari. Kapootan ninyo ang masama. Manangan kayo sa mabuti.

10 Maging magiliwin kayo sa isa’t isa tulad ng pag-ibig ninyo sa magkakapatid. Igalang ninyo ang isa’t isa nang higit pa inyong sarili. 11 Huwag maging tamad sa halip ay maging masigasig. Maging maningas kayo sa Espiritu, na naglilingkod sa Panginoon. 12 Magalak sa pag-asa. Sa inyong paghihirap, maging matiisin. Sa inyong pananalangin, magpatuloy kayong matatag. 13 Magbigay sa panganga­ilangan ng mga banal. Ipagpatuloy ang pagtanggap sa mga bisita.

14 Pagpalain ninyo sila na umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila at huwag silang sumpain. 15 Makigalak kayo sa kanila na nagagalak at makiiyak sa kanila na umiiyak. 16 Magkaroon kayo ng iisang kaisipan. Huwag kayong mag-isip nang may kapalaluan sa inyong mga sarili. Sa halip, makisalamuha kayo sa mga taong mapagpakumbaba. Huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na matatalino.

17 Huwag kayong gumanti ng masama sa masama sa sinuman. Magkaloob nga kayo ng mga mabubuting mga bagay sa harap ng mga tao. 18 Kung maaari, yamang ito ay nasasa­inyo, mamuhay kayong may kapayapaan sa lahat ng tao. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghiganti, sa halip, bigyan ninyo ng puwang ang galit ng Diyos sapagkat nasusulat:

Ang paghihiganti ay sa akin, pagbabayarin ko sila sa kanilang ginawa.

Ito ang sinabi ng Panginoon.

20 Kaya nga:

Kapag nagutom ang inyong kaaway, pakainin mo siya. Kapag nauhaw siya, painumin mo siya sapagkat kapag ginawa mo ito, bubuntunan mo ng nagbabagang uling ang kaniyang ulo.

21 Huwag magpatalo sa masama, sa halip, talunin mo ng mabuti ang masama.

Mateo 16:21-28

Ipinagpaunang Banggitin ni Jesus ang Kaniyang Kamatayan

21 Magmula noon, ipinaalam ni Jesus ang mga bagay na ito sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Kailangan kong pumunta sa Jerusalem. Doon ay magbabata ako ng maraming pahirap sa kamay ng mga matanda, mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan. Papatayin nila ako at muli akong mabubuhay sa ikatlong araw.

22 Isinama siya ni Pedro at nagsimulang sawayin siya na sinasabi: Panginoon, malayo nawa ito sa iyo. Hindi ito mangyayari sa iyo.

23 Ngunit humarap siya at sinabi kay Pedro: Pumunta ka sa likuran ko, Satanas. Ikaw ay hadlang sa akin sapagkat hindi mo iniisip ang mga bagay na ukol sa Diyos, kundi ang mga bagay na ukol sa mga tao.

Tanggihan ang Sarili at Sumunod sa Akin

24 Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod sa akin.

25 Ito ay sapagkat ang sinumang ibig magligtas ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang mawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin ay makaka­sumpong nito. 26 Ito ay sapagkat kung makamtan man ng isang tao ang buong sanlibutan ngunit mapahamak naman ang kaniyang kaluluwa, ano ang pinakinabangan niya? Ano ang maibibigay ng isang tao bilang katumbas ng kaniyang kaluluwa? 27 Ito ay sapagkat paparito ang Anak ng Tao sa kaluwalhatianng kaniyang Ama, kasama ng kaniyang mga anghel. Gagan­timpalaan niya ang mga tao ayon sa kanilang mga gawa. 28 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: May ilan sa inyo na nakatayo rito ang hindi makakaranas ng kamatayan hanggang hindi nila makita ang Anak ng Tao sa kaniyang paghahari, sa kaniyang pagdating.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International