Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
7 Ito ay sapagkat gumagawa na ang hiwaga ng kawalang pagkikilala sa kautusan ng Diyos. May pumipigil pa rito sa ngayon hanggang sa ang pumipigil ay maalis. 8 Kung magkagayon, mahahayag siya na walang kinikilalang kautusan ng Diyos. Ang Panginoon ang pupuksa sa kaniya sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang bibig. Sa pamamagitan ng kasinagan ng kaniyang pagdating at ang Panginoon ay siya ring magpapawalang-bisa sa taong iyon. 9 Ang pagparito ng taong walang kinikilalang kautusan ng Diyos ay ayon sa paggawa ni Satanas ayon sa lahat ng uri ng kapangyarihan at mga tanda at mga kamangha-manghanggawa ng kasinungalingan. 10 Gagawa siya ng lahat ng daya ng kalikuan sa kanila na napapahamak sapagkat hindi nila tinanggap ang pag-ibig ng katotohanan upang sila ay maligtas. 11 Dahil dito, ang Diyos ay magpapadala sa kanila ng makapangyarihang gawain ng panlilinlang upang sila ay maniwala sa kasinungalingan. 12 Ito ay upang hatulan niya ang lahat ng hindi naniwala sa katotohanan kundi nasiyahan sa kalikuan.
Copyright © 1998 by Bibles International