Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Mateo 26:6-13

Binuhusan ng Pabango ng Makasalanang Babae si Jesus

Sa oras na iyon, si Jesus ay nasa Betania, sa bahay ni Simon na ketongin.

May isang babaeng lumapit sa kaniya. Siya ay may dalang garapong alabastro na may mamahalin at napaka­bangong pamahid.Ibinuhos niya ito sa ulo ni Jesus habang siya ay nakadulog sa hapag.

Nang makita ito ng mga alagad, sila ay lubhang nagalit. Sinabi nila: Para ano at sinayang ito? Ang pamahid na ito ay maaaring ipagbili sa malaking halaga at ipamigay sa mga dukha.

10 Ngunit nalalaman ito ni Jesus. Sinabi niya sa kanila: Bakit ninyo ginagambala ang babae? Siya ay gumawa ng mabuti sa akin. 11 Ito ay sapagkat lagi ninyong kasama ang mga dukha ngunit ako ay hindi ninyo laging kasama. 12 Ginawa ng babaeng ito ang pagbuhos ng mabangong pamahid sa aking katawan para sa aking paglilibing. 13 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Saan man ipangaral ang ebanghelyo sa buong sanlibutan, ang ginawa ng babaeng ito ay isasalaysay din bilang pag-alaala sa kaniya.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International