Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
3 Dapat ninyo siyang isaalang-alang na mabuti upang huwag kayong manlupaypay at huwag manghina ang inyong kaluluwa, dahil siya ay nagtiis ng labis na pagsalungat mula sa mga taong makasalanang laban sa kaniya.
4 Sa pakikibaka ninyo laban sa kasalanan ay hindi pa kayo humantong sa pagdanak ng inyong dugo. 5 Nakalimutan na ba ninyo ang salitang nagpapalakas ng inyong loob na tumutukoy sa inyo bilang mga anak? Ang sinasabi:
Anak ko, kung itinutuwid ka ng Panginoon, huwag mong ipagwalang bahala. At kung sinasaway ka niya, huwag manghina ang iyong loob.
6 Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang mga iniibig niya, pinapalo ang bawat tinatanggap niya bilang anak.
7 Kung nagbabata kayo ng pagtutuwid, ang Diyos ay siyang gumagawa sa inyo bilang mga anak. Sapagkat alin bang anak ang hindi itinutuwid ng kaniyang ama? 8 Ang lahat ng anak ay dumaranas ng pagtutuwid. Ngunit kung hindi kayo itinutuwid, kayo ay mga anak sa labas at hindi kayo mga tunay na anak. 9 Higit pa dito, lahat tayo ay may mga ama sa laman at itinutuwid nila tayo. At iginagalang natin sila. Hindi ba lalong nararapat na handa tayong magpasakop sa ating Ama ng espiritu upang tayo ay mabuhay? 10 Sapagkat sila ay nagtutuwid sa atin, ayon sa ipinapalagay nilang mabuti, sa maikling panahon. Ngunit ang Diyos ay tumutuwid para sa ating kapakinabangan at upang tayo ay maging kabahagi ng kaniyang kabanalan. 11 Ngunit walang pagtutuwid na parang kasiya-siya sa kasalukuyan. Ito ay masakit ngunit sa katagalan, ito ay nagdudulot ng mapayapang bunga ng katuwiran, sa mga nasasanay ng pagtutuwid.
12 Kaya nga, itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at ituwid ninyo ang inyong mga tuhod na nangangatog. 13 At tuwirin ninyo ang mga daraanan ng inyong mga paa upang ang mga lumpo ay huwag malihis, sa halip, sila ay gumaling.
Copyright © 1998 by Bibles International