Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Roma 15:22-33

22 Dahil sa mga bagay na ito, ako ay madalas mahadlangan sa pagpunta sa inyo.

Ang Balak na Pagdalaw ni Pablo sa Roma

23 Sa ngayon wala na akong kalalagyan sa mga lalawigang ito. Maraming taon na rin akong nananabik na pumunta sa inyo.

24 Kapag ako ay makapunta sa Espanya, pupunta ako sa inyo sapagkat inaasahan kong makita kayo sa aking paglalakbay at matulungan ninyo ako sa patuloy kong paglalakbay. Ito ay pagkatapos na magkaroon ako ng kasiyahan sa ating pagsasama-sama. 25 Sa ngayon, ako ay papunta sa Jerusalem upang maglingkod sa mga banal. 26 Ito ay sapagkat isang kaluguran samga taga-Macedonia at sa mga taga-Acaya ang makapagbigay ng kaloob sa pagsasama-sama ng mga mahihirap sa mga banal na nasa Jerusalem. 27 Nalugod sila sa paggawa nito at ito ay ibinilang nilang pagkakautang nila sa kanila sapagkat ang mga Gentil ay naging kabahagi ng mga Judio sa kanilang espirituwal na pagpapala. Kaya naman ang mga Gentil ay dapat na maglingkod sa mga Judio sa mga bagay na ukol sa katawan. 28 Kaya nga, tatapusin ko ang tungkuling ito at titiyakin kong matanggap nila ang bungang ito. Pagkatapos, dadaan ako sa inyo pagpunta ko sa Espanya. 29 Natitiyak kong sa pagpunta ko sa inyo, pupunta ako sa kapuspusan ng biyaya ng ebanghelyo ni Cristo.

30 Mga kapatid, namamanhik ako sa inyo sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo at sa pamamagitan ng pag-ibig mula sa Espiritu. Ipinamamanhik kongsamahan ninyo akong magsikap sa pananalangin sa Diyos para sa akin. 31 Ipanalangin ninyo na ako ay maligtas mula sa mga sumu­suway sa Diyos na nasa Judea. At nang ang aking paglilingkod sa Jerusalem ay maging katanggap-tanggap sa mga banal na naroroon. 32 Ipanalangin ninyo na ako ay maka­punta sa inyo na may kagalakan sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos at makapagpahingang kasama ninyo. 33 Ang Diyos ng kapa­yapaan ang siyang sumainyong lahat. Siya nawa.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International