Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang Pagsasabi ni Pablo ng mga Dinanas Niyang Paghihirap
16 Muli kong sinasabi: Huwag nawang isipin ng sinuman na ako ay isang hangal. Kung magkakagayon man dapat niya akong tanggaping tulad sa isanghangal upang makapagmalaki ako kahit kaunti.
17 Ang sinasabi ko na pagmamalaking may pagtitiwala ay hindi ko sinasabi ayon sa Panginoon. Sinasabi ko ito tulad sa isang hangal. 18 Yamang marami ang nagmamalaki ayon sa pamantayan ng tao, magmamalaki rin ako nang gayon. 19 Pinababayaan ninyo ang mga hangal dahil kayo ay mga matatalino. 20 Ito ay sapagkat pinababayaan ninyo kung inaalipin kayo ng sinuman, kung nilalamon kayo, kung kinukunan kayo ng anumang bagay. Gayundin, pinababayaan ninyo kung nagmamalaki ang sinuman sa inyo, kung sinasampalkayo ng sinuman. 21 Nagsasalita ako sa aming kahihiyan, na kami ay parang mahina. Ngunit kung saan man may malakas ang loob, malakas din ang loob ko.
Nagsasalita ako nito nang tulad sa isang hangal.
22 Mga Hebreo ba sila? Ako rin. Sila ba ay taga-Israel? Ako rin. Mga lahi ba sila ni Abraham? Ako rin. 23 Mga tagalingkod ba silani Cristo? Lalo na ako. Nagsasalita ako tulad sa isang hangal. Sa pagpapagal, sagana ako. Sa paghagupit, lalong higit. Sapagkakabilanggo, lalong marami, sa kamatayan, madalas. 24 Hinagupit ako ng mga Judio sa limang pagkakataon nang apatnapu, maliban sa isa. 25 Tatlong ulit akong pinalo, binato akong minsan, tatlong ulit kong naranasan na nawasak ang barkong sinasakyan. Isang gabi at isang araw akong nasa laot. 26 Madalas akong nasa paglalakbay, nasusuong sa panganibsa mga ilog, nasusuong sa panganib sa mandarambong. Nasusuong ako sa panganib mula sa sarili kong lahi, nasusuong sa panganib mula sa mga Gentil. Nasusuong sa panganib sa lungsod, nasusuong sa panganib sa ilang. Nasusuong ako sa panganib sa karagatan, nasusuong sa panganib mula sa mga hindi tunay na kapatiran. 27 Madalas ako sa pagpapagal at mabibigat na paggawa. Madalas akong nagpupuyat, nagugutom at nauuhaw, madalas akong nag-aayuno, giniginaw at walang damit. 28 Sa kabila ng mga bagay na panlabas, araw-araw ako ay ginigitgit ng pagmamalasakit sa mga iglesiya. 29 Sino ang mahina at hindi ba ako mahina? Sino ang natitisod, hindi ba ako nag-aalab sa galit?
30 Kapag kinakailangan kong magmapuri, ipinagmamapuri ko ang aking mga kahinaan. 31 Ang Diyos na pinupuri magpakailanman at Ama ng ating Panginoong Jesucristo ang nakakaalam na ako ay hindi nagsisinungaling. 32 Sa Damasco, ang namamahalang pinuno sa ilalim ng kapangyarihan ni haring Aretas aynagbabantay sa lungsod ng mga taga-Damasco. Ibig niya na ako ay kaniyang mahuli. 33 Sa pamamagitan ng isang tiklis ako ay inihugos sa bintana pababa sa kabila ng pader at nakaligtas ako sa kaniyang mga kamay.
Copyright © 1998 by Bibles International