Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
19 Hindi ba binigyan kayo ni Moises ng kautusan? Gayunman, walang nagsasagawa isa man sa inyo ng kautusan? Bakit hinahanap ninyo ako upang patayin?
20 Sumagot ang mga tao at sinabi: Ikaw ay mayroong demonyo. Sino ang naghahanap upang pumatay sa iyo?
21 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Isang gawa ang aking ginawa at kayong lahat ay namangha. 22 Kaya nga, binigyan kayo ni Moises ng pagtutuli, bagama’t hindi ito mula kay Moises kundi sa mga ninuno. At sa Araw ng Sabat ay tinutuli ninyo ang isang lalaki. 23 Sa araw ng Sabat ay nagtutuli kayo ng isang lalaki upang huwag lumabag sa kautusan ni Moises. Ano at nagagalit kayo sa akin dahil pinagaling ko ang isang lalaki sa araw ng Sabat? 24 Huwag kayong humatol ayon sa nakikita. Humatol kayo ng matuwid na paghatol.
Copyright © 1998 by Bibles International