Font Size
Revised Common Lectionary (Semicontinuous) / Psalm 20 (The name of God); Numbers 6:22-27 (Aaronic blessing); Mark 4:21-25 (Secrets come to light) (Ang Salita ng Diyos)
Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Marcos 4:21-25
Ang Ilawan sa Ibabaw ng Patungan
21 Sinabi ni Jesus sa kanila: Dinadala ba ang ilawan upang ilagay sa loob ng takalan o sa ilalim ng higaan. Hindi ba inilalagay ito sa lagayan ng ilawan?
22 Ito ay sapagkat ang anumang natatago ay mahahayag at ang mga bagay na nangyari sa lihim ay maibubunyag. 23 Ang sinumang may pandinig ay makinig.
24 Sinabi niya sa kanila: Ingatan ninyong mabuti ang inyong naririnig, sa panukat na inyong ipinangsukat, kayo ay susukatin. At sa inyo na nakikinig, kayo ay bibigyan pa. 25 Ito ay sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa. Ngunit siya na wala, maging ang nasa kaniya ay kukunin pa.
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International