Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Timoteo 6:13-16

13 Inuutusan kita sa harapan ng Diyos na nagbibigay buhay sa lahat ng bagay at sa harapan ni Cristo Jesus na sumaksing isang magandang paliwanag sa harap ni Poncio Pilato. 14 Hanggang ang ating Panginoong Jesucristo ay dumating, tuparin mo ang utos na ito nang walang dungis at walang maipupula sa iyo. 15 Siya ay mahahayag sa takdang panahon. Siya lamang ang pinagpala at makapangyarihan, Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. 16 Siya lamang ang hindi maaaring mamatay, naninirahan sa liwanag na hindi malala­pitan ng sinuman, walang sinumang nakakita sa kaniyani makakakita sa kaniya. Sumasakaniya ang karangalan at kapang­yarihang walang hanggan. Siya nawa.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International