Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
7 Sa lahat ng mga bagay ipakita mo ang iyong sarili na huwaran ng mga mabubuting gawa. Sa pagtuturo, ay may katapatan, may karapat-dapat na pag-uugali at buhay na walang kabulukan. 8 Ipakita mong huwaran ang iyong sarili sa magaling na pananalitang hindi mahahatulan. Dapat kang maging ganito upang siya na nasa kabila ay mapahiya at walang masasabing masama patungkol sa iyo.
11 Ito ay sapagkat ang biyaya ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan ay nahayag sa lahat ng mga tao. 12 Ito ay nagtuturo na dapat tayong mamuhay sa kasalukuyang panahon na may mabuting paggamit ng isip, mamuhay na matuwid at mamuhay na may pagkilala sa Diyos. Mamuhay tayong tumatanggisa hindi pagkilala sa Diyos at makamundong pagnanasa. 13 Mamuhay tayo nang ganito habang hinihintay ang mapagpalang pag-asa at marilag na pagpapakita ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesucristo. 14 Ibinigay niya ang kaniyang sarili para sa atin upang tubusin niya tayo mula sa lahat ng hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos at malinis niya para sa kaniyang sarili, ang tao na kaniyang pag-aari, masigasig sa mabubuting gawa.
15 Ang mga bagay na ito ang iyong ipangaral at ihikayat at isumbat na may buong kapamahalaan. Huwag kang pahahamak sa kaninuman.
Copyright © 1998 by Bibles International