Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
5 Kaya nga, tularan ninyo ang Diyos bilang mga minamahal na mga anak. 2 Mamuhay kayo sa pag-ibig tulad din ng pag-ibig ni Cristo sa atin. Ipinagkaloob niya ang kaniyang sarili para sa atin na isang handog at haing mabangong samyo sa Diyos.
3 Huwag man lang mabanggit sa inyo ang pakikiapid at lahat ng karumihan o kasakiman. Nararapat na huwag itong mabanggit sa mga banal. 4 Ang mahalay at walang kabuluhan o malaswang pananalita ay hindi nararapat sa inyo. Sa halip, kayo ay maging mapagpasalamat. 5 Ito ay sapagkat nalalaman ninyo na ang nakikiapid, o maruming tao o sakim na sumasamba sa mga diyos-diyosan ay walang mamanahin sa paghahari ni Cristo at ng Diyos. 6 Huwag ninyong hayaang dayain kayo ng sinuman sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita sapagkat sa mga bagay na ito ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga anak na masuwayin.
Copyright © 1998 by Bibles International