Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Roma 11:13-29

13 Nagsasalita ako sa inyo mga Gentil. Yamang ako ay apostol sa mga Gentil, niluluwalhati ko ang aking paglilingkod. 14 Ito ay upang kahit na sa papaanong paraan ay aking mainggit ang mga kamag-anak ko sa laman. Sagayon, mailigtas ko ang ilan man lamang sa kanila. 15 Ito ay sapagkat nang itinakwil sila ng Diyos, ang sanlibutan ay ipina­kipagkasundo. Kapag tanggapin niya silang muli, ano ang mangyayari? Hindi ba ito ay buhay mula sa patay? 16 Kung ang unang bunga ay banal gayundin ang buong masa. At kung ang ugat ay banal, ang mga sanga ay banal din.

17 Ngunit kung ang ilang mga sanga ay pinutol, ikaw na isang puno ng Olibong ligaw ay inihugpong sa kanila. Ikaw ay naging kabahagi ng ugat at ng katas ng punong Olibo. 18 Huwag kang magmalaki sa mga sanga. Kung magmamalaki ka sa kanila, tandaan mo ito: Hindi ikaw ang nagpupuno sa pangangailangan ng ugat. Ang ugat ang siyang nagpupuno sa pangangailangan mo. 19 Sasabihin mo: Ang mga sanga ay pinutol upang ako ay maihugpong. 20 Gayon nga iyon. Dahil hindi sila sumampalataya, inihiwalay sila ng Diyos ngunit ikaw ay nakatayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Huwag kang magmataas, sa halip ay matakot ka. 21 Ito ay sapagkat maging ang mga likas na sanga ay hindi pinaligtas ng Diyos, maaaring hindi ka niya paliligtasin.

22 Kaya nga, narito, ang kabutihan at kahigpitan ng Diyos. Ang kahigpitan niya ay sa kanila na nahulog. Kung ikaw ay magpapatuloy sa kaniyang kabutihan, ang kabutihan niya ay mapapasaiyo. Kung hindi, ikaw din ay puputulin. 23 Gayundin sila, kung hindi sila magpapatuloy sa hindi pagsampalataya, ihuhugpong sila ng Diyos sapagkat magagawa ng Diyos na sila ay ihugpong muli. 24 Ito ay sapagkat pinutol ka ng Diyos mula sa olibong ligaw, at laban sa kalikasan, ay ihinugpong sa mabuting puno ng Olibo. Gaano pa kaya sa tunay na mga sanga na maihugpong sa kanilang sariling punong Olibo.

Ililigtas ng Diyos ang Buong Israel

25 Mga kapatid, ito ay sapagkat hindi ko nais na kayo ay maging walang kaalaman patungkol sa hiwagang ito. Sa kabilang dako, baka isipin ninyong kayo ay matatalino. Ang hiwaga ay: Hanggang sa maabot ang kabuuang bilang ng mga Gentil, bahagyang pinatigas ng Diyos ang puso ng mga taga-Israel.

26 Kaya nga, ililigtas ng Diyos ang buong Israel ayon sa nasusulat:

Ang tagapagligtas ay magmumula sa Zion. Ibabaling niyang palayo kay Jacob ang hindi pagkilala sa Diyos.

27 Kapag inalis ko ang kanilang mga kasalanan, ito ang aking pakiki­pagtipan sa kanila.

28 Patungkol sa ebanghelyo, dahil sa inyo, sila ay mga kaaway. Ngunit patungkol sa katotohanang pinili sila ng Diyos nang una pa, dahil sa mga ninuno, mahal sila ng Diyos. 29 Ito ay sapagkat ang mga kaloob at pagtawag ng Diyos ay hindi nagbabago.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International