Font Size
Revised Common Lectionary (Semicontinuous) / Psalm 28 (God hears my pleadings); Genesis 40:1-23 (The dreams of two prisoners); Matthew 8:23-27 (Jesus stills the storm) (Ang Salita ng Diyos)
Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Mateo 8:23-27
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo
23 Pagkasakay niya sa isang bangka, sumunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad.
24 Narito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa lawa. Ang bangka ay natatabunan ng malalakas na alon. Ngunit si Jesus ay natutulog. 25 Lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at ginising siya. Sinabi nila: Panginoon, iligtas mo kami, napapahamak kami.
26 Sinabi ni Jesus sa kanila: Bakit kayo natatakot? O, kayong maliliit ang pananampalataya. Nang magkagayon, bumangon siya at sinaway ang mga hangin at ang mga alon. At nagkaroon ng isang malaking katahimikan.
27 Ngunit ang mga lalaki ay namangha at nagsabi: Anong uri ng tao ito na maging ang mga hangin at dagat ay tumatalima sa kaniya?
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International