Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Filipos 4:10-15

Pagpapasalamat ni Pablo sa mga Taga-Filipos Dahil sa Kanilang mga Kaloob

10 Ngunit lubos akong nagagalak sa Panginoon na sa wakas muling nanariwa ngayon ang inyong pag-alaala sa akin, na bagaman may pag-alaala kayo sa akin, wala nga lang kayong pagkakataong ipakita ito.

11 Hindi sa ako ay nagsalita dahil sa aking pangangailangan, dahil natutuhan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagayan. 12 Alam ko ang mabuhay sa paghihikahos at ang mabuhay sa kasaganaan, kung paano ang ibababa at alam ko kung paano ang sumagana. Sa lahat ng dako at sa lahat ngbagay ay tinuruan akong mabusog at magutom, maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan. 13 Ako ay may sapat na lakas na gawin ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Cristo na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.

14 Gayunman, napakabuti ng inyong ginawang pakikibahagi sa aking mga paghihirap. 15 Kayong mga taga-Filipos, alam din naman ninyo nasa pasimula pa ng pangangaral ng ebanghelyo, nang umalis ako sa Macedonia, walang ibang iglesiya ang nakipag-isa sa akin patungkol sa pagkakaloob at sa pagtanggap, kundi kayo lamang.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International