Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Corinto 4:14-20

14 Isinulat ko ang mga bagay na ito hindi upang hiyain kayo kundi bigyan kayo ng babala bilang mga minamahal na anak. 15 Ito ay sapagkat kahit magkaroon kayo ng sampung libong guro kay Cristo, hindi marami ang inyong ama dahil sa pamamagitan ng ebanghelyo kayo ay naging mga anak ko kay Cristo Jesus. 16 Kaya nga, ipinamamanhik ko sa inyo, tularan ninyo ako. 17 Dahil dito, isinugo ko sa inyo si Timoteo na minamahal kong anak. Siya ay tapat sa Panginoon. Siya ang magpapaalaala sa inyo ng pamamaraan ng aking pamumuhay kay Cristo ayon sa itinuturo ko sa bawat iglesiya sa lahat ng dako.

18 Ngunit may ilan sa inyo na nagyayabang na parang hindi na ako pupunta sa inyo. 19 Kung loloobin ng Panginoon, pupunta ako sa inyo sa lalong madaling panahon nang sa gayon ay malaman ko ang kapangyarihan ng mga nagyayabang at hindi ang kanilang salita. 20 Ito ay sapagkat ang paghahari nga ng Diyos ay hindi sa salita kundi sa kapangyarihan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International