Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
53 Habang sinasabi niya ang mga bagay na ito sa kanila, sinimulan siyang tuligsain ng mga guro ng kautusan at mga Fariseo. Pinilit nila siyang magsalita ng patungkol sa maraming bagay. 54 Binabantayan nila siya at naghahanap ng pagkakataon na makahuli ng ilang mga bagay mula sa kaniyang bibig. Ginagawa nila ito upang may maiparatang sila sa kaniya.
Tinuruan at Binigyang Babala ang Labindalawa
12 Samantalang ang hindi mabilang na karamihan ng mga tao ay nagkakatipon, na anupa’t sila ay nagkakatapakan sa isa’t isa, si Jesus ay nagsimula munang mangusap sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Fariseo, ito ay ang pagpapaimbabaw.
2 Walang anumang natatakpan na hindi mahahayag o natatago na hindi malalaman. 3 Kaya nga, anuman ang inyong sabihin sa dilim ay maririnig sa liwanag. Anuman ang ibinulong ninyo sa loob ng mga silid ay ihahayag sa mga bubungan.
Copyright © 1998 by Bibles International