Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Gawa 1:6-14

Nang sila nga ay nagkatipun-tipon, nagtanong sila sa kaniya: Panginoon, ibabalik mo bang muli ang paghahari sa Israel sa panahong ito?

Sinabi niya sa kanila: May oras o mga panahon na inilagay ng Ama sa sarili niyang kapamahalaan. Ang pagkaalam sa mga ito ay hindi para sa inyo. Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating na sa inyo ang Banal na Espiritu. Kayo ay magiging mga patotoo sa akin sa Jerusalem, sa buong Judea, sa Samaria at sa pinakamalayong bahagi ng lupa.

Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, habang sila ay nakamasid, siya ay dinala paitaas. At ikinubli siya ng isang ulap sa kanilang paningin.

10 Nang nakatitig sila, habang siya ay pumapaitaas, narito, dalawang lalaki na nakaputing damit ang tumayo sa tabi nila. 11 Sinabi ng dalawang lalaki: Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayo at nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik din katulad ng pagpunta niya sa langit na inyong nakita.

Pinili si Matias Bilang Kapalit ni Judas

12 Pagkatapos nito, sila ay bumalik sa Jerusalem mula sa bundok na tinatawag na mga puno ng Olibo, na malapit sa Jerusalem. Ito ay lakbaying makakaya sa isang araw ng Sabat.

13 At nang makapasok na sila, umakyat sila sa silid sa itaas. Doon nanunuluyan sina Pedro, Santiago, Juan, Andres, Felipe, Tomas, Bartolomeo, Mateo at Santiago na anak ni Alfeo. Gayundin si Simon na Makabayan at si Judas na kapatid ni Santiago. 14 Silang lahat ay matatag na nagpatuloy na nagkakaisa sa pananalangin at paghiling. Kasama nila ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus. Kasama rin nila ang mga lalaking kapatid ni Jesus.

1 Pedro 4:12-14

Pagdanas ng Hirap sa Pagiging Isang Kristiyano

12 Mga minamahal, huwag ninyong isipin na wari bang hindi pangkaraniwan ang matinding pagsubok na inyong dinaranas. Huwag ninyong isipin na tila baga hindi pangka­raniwan ang nangyayari sa inyo.

13 Magalak kayo na kayo ay naging bahagi sa mga paghihirap ni Cristo. Kapag nahayag na ang kaniyang kaluwalhatian labis kayong magagalak. 14 Kapag kayo ay inalipusta dahil sa pangalan ni Cristo, pinagpala kayo sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay nananahan sa inyo. Sa ganang kanila, siya ay inalipusta, ngunit sa ganang inyo siya ay pinarangalan.

1 Pedro 5:6-11

Kaya nga, magpakumbaba kayo sa ilalim ng makapang­yarihang kamay ng Diyos upang kayo ay kaniyang itaas sa takdang panahon. Ilagak ninyo sa kaniya ang lahat ninyong kabalisahan sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

Magkaroon kayo ng maayos na pag-iisip at magbantay kayo sapagkat ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leon na umaatungal at umaali-aligid na naghahanap kung sino ang malalamon niya. Magpakatatag kayo sa inyong pananam­palataya. Labanan ninyo siya. Tulad ng nalalaman ninyo, dumaranas din ng gayong kahirapan ang mga kapatid ninyo sa buong sanlibutan.

10 Ang Diyos ng lahat ng biyaya, ang siyang tumawag sa inyo sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo Jesus. Pagkatapos ninyong maghirap ng maikling panahon, siya rin ang magpapaging-ganap, magpapalakas, magbibigay ng kakayanan at magpapatatag sa inyo. 11 Sumakaniya nawa ang papuri at paghahari magpakailanman. Siya nawa!

Juan 17:1-11

Nanalangin si Jesus Kara sa Kaniyang Sarili

17 Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito at tumingin siya sa langit at nagsabi:

Ama ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang iyong Anak at nang luwalhatiin ka rin naman ng Anak.

Kung paanong binigyan mo siya ng kapamahalaan sa lahat ng tao, sa gayunding paraan siya ay magbibigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng ibinigay mo sa kaniya. Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesucristo na iyong sinugo. Niluwalhati kita sa lupa.Ginanap ko ang gawaing ibinigay mo sa akin upang aking gawin. Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyong sarili ng kaluwalhatiang taglay ko nang kasama ka bago pa likhain ang sanlibutan.

Ipinanalangin ni Jesus ang mga Alagad

Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sangkatauhan. Sila ay iyo at ibinigay mo sila sa akin. Tinupad nila ang iyong salita.

Ngayon ay alam nila na lahat ng mga bagay na ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo. Ito ay sapagkat ibinigay ko sa kanila ang mga salitang ibinigay mo sa akin. Tinanggap nila ang mga ito. Totoong alam nila na ako ay nagmula sa iyo. Sila ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinapanalangin ko sila. Hindi ko ipinapanalangin ang sangkatauhan kundi sila na ibinigay mo sa akin sapagkat sila ay iyo. 10 Ang lahat ng sa akin ay iyo at ang mga sa iyo ay akin. Ako ay naluluwalhati sa kanila. 11 Ngayon ay wala na ako sa sanlibutan ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Ako ay patungo sa iyo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa iyong pangalan, sila na ibinigay mo sa akin. Ingatan mo sila upang sila ay maging isa, kung papaanong tayo ay isa.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International