Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Gawa 7:55-60

55 Ngunit siya, na puspos ng Banal na Espiritu, ay tumingalang nakatuon sa langit. Nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at si Jesus na nakatayo sa kanang bahagi ng Diyos. 56 Sinabi niya: Narito, nakikita kong bukas ang mga langit at ang Anak ng Tao ay nakatayo sa kanang bahagi ng Diyos.

57 Kaya sila ay sumigaw ng malakas na tinig at tinakpan nila ang kanilang mga tainga. Nagkakaisa nilang dinaluhong si Esteban. 58 Itinapon nila siya sa labas ng lungsod at binato hanggang mamatay. Inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa paanan ng isang binata na Saulo ang pangalan.

59 Habang pinagbabato nila si Esteban tumawag siya sa Diyos at nagsabi: Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu. 60 Pagkatapos, siya ay lumuhod at siya ay sumigawng malakas: Panginoon, huwag mo silang papanagutin sa kasalanang ito. Pagkasabi niya nito, siya ay natulog.

1 Pedro 2:2-10

Kung magkagayon, gaya ng sanggol na bagong silang, nasain ninyo ang dalisay na gatas na ukol sa espiritu upang lumago kayo. Nasain ninyo ito, yamang nalasap ninyo na ang Pangi­noon ay mabuti.

Ang Batong Buhay at ang Mga Batong Buhay

Lumapit kayo sa kaniya na siyang batong buhay na itinakwil ng mga tao. Ngunit sa Diyos siya ay hirang at mahalaga.

Kayo rin ay katulad ng mga batong buhay. Itina­tatag kayo ng Diyos na isang bahay na espirituwal. Kayo ay mga saserdoteng banal, kaya maghandog kayo ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo. Ganito ang sinasabi ng kasulatan:

Narito, itinatayo ko sa Zion ang isang pangu­nahing batong panulok, hinirang at mahalaga. Ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

Kaya nga, sa inyo na sumasampalataya, siya ay mahalaga. Ngunit sa mga hindi sumusunod:

Ang batong tinakwil ng mga tagapagtayo ang naging pangunahing batong panulok.

At naging batong ikabubuwal at katitisuran.

Natitisod sila sapagkat hindi sila sumunod sa salita yamang dito rin naman sila itinalaga.

Ngunit kayo ay isang lahing hinirang, makaharing pagka­saserdote, isang bansang banal at taong pag-aari ng Diyos. Ito ay upang ipahayag ninyo ang kaniyang kadakilaan na siya rin naman ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kaniyang kamangha-manghang kaliwanagan. 10 Noong naka­raan, kayo ay hindi niya tao ngunit ngayon ay tao na ng Diyos. Noon ay hindi kayo nagkamit ng kahabagan ngunit ngayon ay nagkamit na ng kahabagan.

Juan 14:1-14

Binigyang Kaaliwan ni Jesus ang Kaniyang mga Alagad

14 Huwag mabalisa ang inyong mga puso. Nanam­palataya kayo sa Diyos, manampalataya rin kayo sa akin.

Sa bahay ng aking Ama ay maraming tirahan. Kung hindi gayon ay sinabi ko sana sa inyo. Ako ay paroroon upang maghanda ng dako para sa inyo. Kapag ako ay pumaroon at makapaghanda ng dako para sa inyo, ako ay muling babalik. Kayo ay aking tatanggapin sa aking sariliupang kung saan ako naroon ay dumuon din kayo. Kung saan ako pupunta ay alam ninyo. Alam na ninyo ang daan.

Si Jesus ang Daan Patungo sa Ama

Sinabi sa kaniya ni Tomas: Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta. Paano namin malalaman ang daan?

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko. Kung ako ay kilala na ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at nakita na ninyo siya.

Sinabi ni Felipe sa kaniya: Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama at iyon ay sapat na sa amin.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Felipe, matagal nang panahon na ako ay kasama ninyo at hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabi: Ipakita mo sa amin ang Ama? 10 Hindi ka ba sumasampalataya na ako ay nananahan sa Ama at ang Ama ay nananahan sa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Ama na nananahan sa akin, siya ang gumagawa ng mga gawain. 11 Sampalatayanan mo ako na ako ay sumasa Ama at ang Ama ay sumasa akin. Ngunit kung hindi, sumampalataya ka sa akin dahil sa mga gawa. 12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Siya na sumasampalataya sa akin ay gagawa rin ng mga gawang ginagawa ko. Higit na dakilang mga gawa kaysa sa mga ito ang gagawin niya sapagkat ako ay pupunta sa Ama. 13 Anuman ang inyong hingin sa pangalan ko, iyon ay gagawin ko upang maluwalhati ang Ama sa pamamagitan ng Anak. 14 Kung hihingi kayo ng anumang bagay sa aking pangalan, gagawin ko iyon.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International