Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
8 Kahit na hindi ninyo siya nakita, inibig ninyo siya. Kahit hindi ninyo siya nakikita ngayon ay nananampalataya kayo sa kaniya. Dahil dito, nagagalak kayo ng kagalakang hindi kayang ipaliwanag sa salita at puspos ng kaluwalhatian. 9 Nagagalak kayo sapagkat tinatanggap ninyo ang layunin ng inyong pananampalataya na walang iba kundi ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa.
10 Ang kaligtasang ito ay masusing sinisiyasat at sinusuring mga propetang naghayag sa biyayang darating sa inyo. 11 Sinisiyasat nila kung sino at kung kailan mangyayari ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na sumasakanila. Ang Espiritu ang nagpatotoo noon pang una patungkol sa mga kahirapan ni Cristo at ang mga kaluwalhatiang kasunod nito. 12 Ipinahayag ito sa kanila subalit hindi para sa kanilang sarili kundi ipinaglingkod nila ito para sa atin. Ang bagay na ito ay ibinalita ngayon sa inyo sa pamamagitan ng mga tagapangaral ng ebanghelyo. Nangaral sila sa pamamagitan ng Espiritu na isinugo mula sa langit. Mahigpit na hinahangad ng mga anghel na malaman ang mga bagay na ito.
Copyright © 1998 by Bibles International