Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Gawa 2:14

Nagsalita si Pedro sa Maraming Tao

14 Ngunit si Pedro ay tumayo kasama ng labing-isa. Nilakasan niya ang kaniyang tinig at nagsalita siya sa kanila: Mga lalaking taga-Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, alamin ninyo ito at makinig sa aking mga salita.

Gawa 2:22-32

22 Mga lalaking taga-Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga-Nazaret ay isang lalaking pinagtibay ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga himala at mga kamangha-manghang gawa at mga tanda. Ang mga ito ay ginawa ng Diyos sa inyong kalagitnaan sa pamamagitan niya, katulad ng inyong pagkaalam. 23 Siya rin na ibinigay ng napagpasiyahang-layunin at kaalamang una ng Diyos ay inyong dinakip. Sa pamamagitan ng iyong mga kamay na walang kinikilalang kautusan ng Diyos ay ipinako ninyo siya sa krus at pinatay. 24 Siya ang ibinangon ng Diyos sa pagkakalag ng matinding hirap ng kamatayan sapagkat hindi siya maaring pigilin ng kamatayan. 25 Ito ay sapagkat si David nga ay nagsabi ng patungkol sa kaniya:

Nakita ko nang una ang Panginoon sa harapan ko sa lahat ng panahon. Dahil siya ay nasa aking kanang kamay, hindi ako makilos.

26 Kaya nga, ang puso ko ay nasiyahan at ang dila ko ay lubhang nagalak. Gayundin ang aking katawan ay magpapahingalay sa pag-asa. 27 Ito ay sapagkat hindi mo iiwanan ang aking kaluluwa sa Hades. Hindi mo rin pahihintu­lutan naang iyong Banal ay makakita ng kabulukan. 28 Ipinakita mo sa akin ang mga landas ng buhay. Pupunuin mo ako ng kagalakan sa pamamagitan ng anyo ng iyong mukha.

29 Mga kapatid, hayaan ninyo akong magsalita ng malaya patungkol sa ating dakilang ninunong si David. Siya ay namatay at inilibing at hanggang sa araw na ito, ang kaniyang libingan ay narito sa atin. 30 Siya nga ay isang propeta at alam niya ang sinumpaang pangako ng Diyos sa kaniya. Ipinangako sa kaniya na mula sa bunga ng kaniyang katawan ayon sa laman ay ititindig niya ang Mesiyas upang iluklok sa kaniyang trono. 31 Dahil nakita na niya ito nang una pa kaya nagsalita siya patungkol sa pagkabuhay muli ng Mesiyas. Sinabi niya na ang kaniyang kaluluwa ay hindi pinabayaan sa Hades ni nakakita ng kabulukan ang kaniyang katawan. 32 Ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos at kaming lahat ay mga saksi.

1 Pedro 1:3-9

Papuri sa Diyos para sa Isang Buhay na Pag-asa

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo sapagkat sa kaniyang dakilang kahabagan ay ipinanganak niya tayong muli patungo sa isang buhay na pag-asa sa pamama­gitan ng pagkabuhay muli ni Jesucristo mula sa mga patay.

Ginawa niya ito para sa isang manang hindi nabubulok, hindi narurumihan at hindi kumukupas na inilaan sa langit para sa atin. Ang kapangyarihan ng Diyos ang nag-iingat sa atinsa pamamagitan ng pananampalataya, para sa kaligtasang nakahandang ihayag sa huling panahon. Ito ang inyong ikinagagalak bagamat, ngayon sa sandaling panahon kung kinakailangan, ay pinalulumbay kayo sa iba’t ibang pagsubok. Ito ay upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya, na lalong higit na mahalaga kaysa ginto na nasisira, bagaman sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ika­pupuri, ikararangal at ikaluluwalhati ni Jesucristo sa kaniyang kapahayagan. Kahit na hindi ninyo siya nakita, inibig ninyo siya. Kahit hindi ninyo siya nakikita ngayon ay nananam­palataya kayo sa kaniya. Dahil dito, nagagalak kayo ng kagalakang hindi kayang ipaliwanag sa salita at puspos ng kaluwalhatian. Nagagalak kayo sapagkat tinatanggap ninyo ang layunin ng inyong pananampalataya na walang iba kundi ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa.

Juan 20:19-31

Nagpakita si Jesus sa Kaniyang mga Alagad

19 Kinagabihan ng araw ding iyon, na unang araw ng sanlinggo,nagtipon ang mga alagad. Ipininid nila ang mga pinto dahil sa takot nila sa mga Judio at dumating si Jesus at tumayo sa kanilang kalagitnaan. Sinabi sa kanila: Kapa­yapaan ang sumainyo.

20 Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran. Kaya nga, nagalak ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon.

21 Sinabi ngang muli ni Jesus sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. Kung papaano ako isinugo ng Ama, gayundin, isinusugo ko kayo. 22 Pagkasabi niya nito, hiningahan niya sila at sinabi sa kanila: Tanggapinninyo ang Banal na Espiritu. 23 Ang kaninumang mga kasalanan na inyong pinatatawad ay ipinatatawad iyon sa kanila. Ang kani­numang mga kasalanan na hindi ninyo pinatatawad, ang mga ito ay hindi pinatatawad.

Nagpakita si Jesus kay Tomas

24 Si Tomas na isa sa labindalawang alagad ay tinatawag na Kambal. Hindi nila siya kasama nang dumating si Jesus.

25 Sinabi nga ng ibang mga alagad sa kaniya: Nakita namin ang Panginoon.

Sinabi niya sa kanila: Malibang makita ko ang tanda ng mga pako sa kaniyang mga kamay at mailagay ko ang aking mga daliri roon, at maipasok ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, kailanman ay hindi ako maniniwala.

26 Makalipas ang walong araw, ang mga alagad ay nasa loob muli ng bahay at kasama nila si Tomas. Kahit na nakapinid ang mga pinto dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. At sinabi niya: Kapayapaan ang sumainyo. 27 Pagkatapos noon, sinabi niya kay Tomas: Ilagay mo ang iyong daliri rito at tingnan mo ang aking mga kamay. Iabot mo ang iyong kamay rito at ipasok sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, kundi sumampalataya ka.

28 Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya: Aking Panginoon at aking Diyos.

29 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tomas, sumampalataya ka dahil nakita mo ako. Pinagpala sila na hindi nakakita ngunit sumampalataya.

30 Marami pang ibang mga tanda ang ginawa ni Jesus sa harapan ng kaniyang mga alagad. Ang mga ito ay hindi nasusulat sa aklat na ito. 31 Ngunit ang mga ito ay sinulat upang kayo ay sumampalataya na si Jesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. At ang mga ito ay sinulat upang pagkatapos ninyong sumampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International