Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Filipos 1:21-30

21 Ito ay sapagkat sa ganang akin, ang mabuhay ay si Cristo at ang mamatay ay pakinabang. 22 Ngunit kung ang mabuhay sa laman ay mangangahulugan ng mabungang pagpapagal, hindi ko malaman kung ano ang aking pipiliin. 23 Ito ay sapagkat napipigilan ako ng dalawang pagpipilian. Nais kong pumanaw na upang mapasa piling ni Cristo na ito ay lalong mabuti. 24 Ngunit ang manatili sa katawan ay higit na kailangan dahil sa inyo. 25 Dahil lubos akong nakakatiyak sa bagay na ito,nalalaman kong ako ay mananatili at patuloy na makakasama ninyong lahat sa inyong pagsulong at kagalakan sa inyong pananampalataya. 26 Ito ay upang kung muli ninyo akong makasama ay mag-umapaw ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus dahil sa akin.

27 Kinakailangang mamuhay kayong karapat-dapat sa ebanghelyo ni Cristo upang kung ako ay pumunta riyan at makita kayo o hindi man ay makabalita ako ng patungkol sa inyo, na kayo ay nananatiling matatag sa iisang espiritu at iisang isipan at sama-sama ninyong ipinagtatanggol ang pananampalataya ng ebanghelyo. 28 At hindi kayo maaaring takutin sa anumang paraan ng inyong mga kaaway. Sa kanila, ito ay maliwanag na palatandaan patungo sa kanilang ikapapa­hamak. Para sa inyo, ito ay sa ikaliligtas, at ito ay mula sa Diyos. 29 Sapagkat ipinagkaloob sa inyo alang-alang kay Cristo, hindi lamang ang sumampalataya sa kaniya kundi ang magbata rin naman ng hirap alang-alang sa kaniya. 30 Nasa inyo ang pakikipagbakang nakita ninyong nasa akin at nababalitaan ninyong nasa akin ngayon.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International