Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Roma 4:1-5

Pinaging-matuwid si Abraham sa Pamamagitan ng Pananampalataya

Ano nga ngayon ang sasabihin natin sa natagpuan ni Abraham na ating ninuno ayon sa laman?

Ito ay sapagkat kung si Abraham ay pinaging-matuwid sa pamama­gitan ng mga gawa, mayroon siyang dahilang magmalaki, ngunit hindi sa Diyos. Ano ang sinasabi ng kasulatan? Sinasabi:

Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos at iyon ay ibinilang sa kaniya na katuwiran.

Ngayon kapag gumawa ang isang tao, ang sahod niyaay hindi ibinibilang na biyaya kundi ibinibilang na utang. Ngunit sa kaniya na hindi gumagawa ngunit sumasam­palataya sa kaniya na nagpapaging-matuwid sa mga hindi kumikilala sa Diyos, ang kaniyang pananampalataya ay ibinibilang na katuwiran.

Roma 4:13-17

13 Ito ay sapagkat si Abraham at ang kaniyang lahi ay tumanggap ng pangako na siya ay magiging tagapagmana ng sanlibutan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kautusan kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya. 14 Ito ay sapagkat kung ang mga tagapagmana nga ay ang mga gumaganap ng kautusan, ang pananampalataya ay walang kabuluhan. Ang pangako ay walang bisa. 15 Ito ay sapagkat ang kautusan ay nagbubunga ng galit, dahil kung walang kautusan, walang pagsalangsang.

16 Kaya nga, ang pangako ay sa pamamagitan ng pananampalataya upang ito ay maging ayon sa biyaya at upang ito ay maging tiyak sa lahat ng lahi. Ito ay hindi lamang sa mga nasa kautusan kundi sa mga nasa pananampalataya ni Abraham na siyang ama nating lahat. 17 Ayon sa nasusulat:

Itinalaga kitang ama ng maraming bansa.

Ito ay sa harap ng Diyos na kaniyang sinampalatayanan, na bumubuhay ng mga patay at tumatawag na magkaroon ng mga bagay na wala pa.

Juan 3:1-17

Tinuruan ni Jesus si Nicodemo

May isang lalaki sa mga Fariseo na ang pangalan ay Nicodemo. Siya ay isang pinuno ng mga Judio.

Pumunta siya kay Jesus nang gabi at sinasabi niya: Guro, alam namin na ikaw ay isang guro na mula sa Diyos. Ito ay sapagkat walang makakagawa ng mga tanda na iyong ginagawa malibang sumasakaniya ang Diyos.

Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya maaaring makita angpaghahari ng Diyos.

Itinanong ni Nicodemo sa kaniya: Papaano maipa­nganganak ang taong matanda na? Makakapasok ba siyang muli sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak?

Sumagot si Jesus: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ang isang tao ay ipanganak ng tubig at ng Espiritu hindi siya makakapasok sa paghahari ng Diyos. Ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, kinakailangang ipanganak kang muli. Ang hangin ay umiihip kung saan nito ibig. Naririnig mo ang ugong nito ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Gayon ang bawat ipinanganak sa Espiritu.

Tumugon si Nicodemo at sinabi sa kaniya: Papaano mangyayari ang mga bagay na ito?

10 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Ikaw ay guro sa Israel at hindi mo alam ang mga bagay na ito? 11 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Ang aming nalalaman ay sinasabi namin. Pinatotohanan namin ang mga nakita namin. Hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo. 12 Hindi ninyo pinaniwalaan ang mga bagay na panlupa na sinabi ko sa inyo. Papaano ninyopaniniwalaan kung sasabihin ko sa inyo ang mga bagay patungkol sa langit? 13 Walang pumaitaas sa langit maliban sa kaniya na bumabang mula sa langit Maliban sa Anak ng Tao na nasa langit. 14 Kung papaanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng Tao. 15 Ito ay upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

16 Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Ito ay sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang kaniyang anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan. Sinugo niya ang kaniyang anak upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamama­gitan niya.

Mateo 17:1-9

Ang Pagbabagong Anyo

17 Pagkaraan ang anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro at Santiago, at si Juan na kaniyang kapatid.Dinala niya silang bukod sa isang mataas na bundok.

Nagbagong-anyo siya sa harap nila.Nagliwanag ang kani­yang mukha na parang araw. Pumuti ang kaniyang mga damit na gaya ng busilak ng liwanag. Narito, biglang nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kaniya.

Sinabi ni Pedro kay Jesus: Panginoon, mabuti para sa amin na kami ay naririto. Kung ibig mo, gagawa kami rito ng tatlong kubol. Isa ang para sa iyo, isa kay Moises at isa kay Elias.

Habang nagsasalita pa siya, narito, nililiman sila ng isang maningning na ulap. Narito, may isang tinig na buhat sa ulap na nagsasabi: Ito ang pinakamamahal kong Anak na labis kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya.

Nang marinig ito ng mga alagad, napasubsob sila sa lupa at sila ay lubhang natakot. Lumapit si Jesus at hinipo niya sila. Sinabi niya: Tumayo kayo at huwag kayong matakot. Nang tumingin sila sa paligid, wala silang ibang nakita kundi si Jesus lamang.

Habang bumababa sila sa bundok, iniutos sa kanila ni Jesus na sinabi: Huwag ninyong sabihin kaninuman ang pangitaing ito hanggang sa muling mabuhay mula sa mga patay ang Anak ng Tao.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International