Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Roma 5:12-19

Kamatayan sa Pamamagitan ni Adan, Buhay sa Pamamagitan ni Cristo

12 Sa kadahilanang ito, sa pamamagitan ng isang tao, pumasok ang kasalanan sa sanlibutan. Dahil sa kasalanan nagkaroon ng kamatayan at ang kamatayan ay dumating sa lahat ng tao sapagkat nagkasala ang lahat.

13 Ito ay sapagkat ang kasalanan ay nasa sanlibutan na bago pa ibinigay ang kautusan. Ngunit nang wala pa ang kautusan ang kasalanan ay hindi ibinibilang. 14 Subalit ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises. Ito ay naghari maging sa kanila na ang kasalanan ay hindi tulad ng pagsalangsang ni Adan na siyang larawan ng paparating na.

15 Subalit ang kaloob ay hindi tulad ng pagsalangsang sapagkat kung sa pagsalangsang ng isa, marami ang namatay, lalong higit ang biyaya ng Diyos. At sa pamamagitan ng isang tao, si Jesucristo, ang kaloob sa pamamagitan ng biyaya ay sumagana sa marami. 16 Ang kaloob ay hindi tulad ng isang nagkasala sapagkat sa kasalanan ng isa, ang hatol ay nagdala ng kaparusahan. Ngunit sa kabila ng maraming pagsalangsang, ang walang bayad na kaloob ay nagbunga ng pagpapaging-matuwid. 17 Ito ay sapagkat sa pagsalangsang ng isang tao, naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng taong iyon. At lalong higit sa kanila na tumanggap ng kasaganaan ng biyaya at ng kaloob ng katuwiran. Maghahari sila sa buhay sa pamama­gitan ng isang iyon, si Jesucristo.

18 Kaya nga, sa pagsalangsang ng isang tao, napasalahat ng tao ang kaparusahan. Sa gayunding paraan, sa gawa ng katuwiran ng isang tao, napasalahat ng tao ang pagpapaging-matuwid ng buhay. 19 Ito ay sapagkat sa pagsuway ng isang tao, marami ang naging mga makasalanan. Sa gayunding paraan, sa pagsunod ng isang tao, marami ang magagawang matuwid.

Mateo 4:1-11

Tinukso ng Diyablo si Jesus

Nang magkagayon, pinatnubayan ng Banal na Espititu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.

Nang siya ay makapag-ayuno na ng apatnapung araw at apatnapung gabi, nagutom siya. Lumapit ang manunukso sa kaniya at sinabi: Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, sabihin mo sa mga batong ito na maging tinapay.

Sumagot si Jesus sa kaniya, na sinasabi: Nasusulat:

Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.

Nang magkagayon, dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod. Pinatayo siya sa taluktok ng templo. Sinabi ng diyablo sa kaniya:Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka sapagkat nasusulat:

Uutusan niya ang kaniyang mga anghel patungkol sa iyo. Bubuhatin ka at dadalhin ka ng kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong paa sa bato.

Sinabi sa kaniya ni Jesus: Nasusulat din naman:

Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.

Muli siyang dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Ipinakita sa kaniya ang lahat ng paghahari sa sanli­butan at ang kaluwalhatian nito. Sinabi ng diyablo sa kaniya: Lahat ng mga bagay na iyon ay ibibigay ko sa iyo kung magpatirapa ka at sambahin ako.

10 Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniya: Lumayo ka, Satanas, sapagkat nasusulat:

Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglingkuran.

11 Nang magkagayon, iniwan siya ng diyablo. Narito, dumating ang mga anghel at naglingkod sa kaniya.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International