Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
17 Ang mga matanda sa iglesiya na nangangasiwang mabuti ay ibilang na karapat-dapat na tumanggap ng ibayong pagpapahalaga, lalo na ang mga nagpapagal sa salita at sa pagtuturo. 18 Ito ay sapagkat sinabi ng kasulatan:
Huwag mong busalan ang baka habang gumigiik.
At ito rin ay nagsasabi:
Ang mga manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang sahod.
19 Maliban sa dalawa o tatlong saksi ang magharap ng paratang laban sa matanda sa iglesiya, huwag mong itong tanggapin. 20 Ang mga nagkakasala ay sawayin mo sa harapan ng lahat upang ang iba ay matakot.
21 Mahigpit kong ipinagtatagubilin sa iyo sa harapan ng Diyos at Panginoong Jesucristo at ng mga anghel na pinili ng Diyos: Ingatan mo ang mga tagubiling ito. Huwag kang humatol kaagad-agad. Huwag kang magtangi ng isang tao nang higit kaysa iba.
22 Huwag kang magmadali sa pagtatalaga ng sinuman sa pamamagitan ng pagpapatong ng iyong kamay. Huwag kang makibahagi sa mga kasalanan ng iba. Panatilihin mong dalisay ang iyong sarili.
23 Huwag kang uminom ng tubig lamang. Dahil sa iyong sikmura at madalas mong pagkakasakit, gumamit ka ng kaunting alak.
24 Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag na nakikita, na nauuna pa sa kanila sa paghuhukom. Ang mga kasalanan naman ng ibang tao ay sumusunod sa kanila.
Copyright © 1998 by Bibles International