Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Tinanong ng mga Alagad ni Juan si Jesus Patungkol sa Pag-aayuno
14 Nang magkagayon, lumapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan na nagsasabi: Bakit kami at ang mga Fariseo ay madalas mag-ayuno ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?
15 Sinabi ni Jesus sa kanila: Maaari bang mamighati ang mga abay sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Darating ang mga araw na ang lalaking ikakasal ay aalisin sa kanila. Kung magkagayon, mag-aayuno na sila.
16 Walang taong nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit sapagkat ang tagpi ay bumabatak sa damit at lalong lumalaki ang punit. 17 Hindi rin isinasalin ng sinumang tao ang bagong alak sa mga lumang sisidlang-balat. Kung magkakagayon, puputok ang mga sisidlang-balat. Ngunit isinasalin nila ang bagong alak sa mga bagong sisidlang-balat at kapwa silang tatagal.
Copyright © 1998 by Bibles International