Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
Lucas 1:46-55

Ang Awit ni Maria

46 Sinabi ni Maria: Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon.

47 Ang aking espiritu ay lubos na nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas. 48 Ito ay sapagkat nilingap niya ang pagpapakumbaba ng kaniyang aliping babae at mula ngayon ay ituturing akong mapalad ng lahat ng salin ng lahi. 49 Ito ay sapagkat ang Makapangyarihan ay gumawa sa akin ng mgadakilang bagay at Banal ang kaniyang pangalan. 50 Ang kaniyang kahabagan ay sa lahat ng saling lahi, sa kanila na may pagkatakot sa kaniya. 51 Nagpakita siya ng lakas sa pamamagitan ng kaniyang mga bisig. Ikinalat niya ang mapagmataas sa haka ng kanilang mga puso. 52 Ibinaba niya ang mga makapangyarihan mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga mabababang-loob. 53 Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom. Ang mgamayaman ay pinaalis niyang walang dala. 54 Tinulungan niya si Israel na kaniyang lingkod bilang ala-ala ng kaniyang kahabagan. 55 Ginawa niya ito ayon sa sinabi niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kaniyang lahi magpakailanman.

Pahayag 22:6-7

Sinabi ng anghel sa akin: Ang mga salitang ito ay tapat at totoo. Ang Panginoong Diyos ng mga propetang banal ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita ang mga bagay na dapat nang mangyari kaagad.

Si Jesus ay Darating

Narito, malapit na akong dumating. Pinagpala ang tumu­tupad sa mga pahayag ng Diyos sa aklat na ito.

Pahayag 22:18-20

18 Ang dahilan nito ay nagpapatotoo rin ako sa lahat ng nakakarinig ng mga pahayag ng Diyos sa aklat na ito. Sinabi ko: Kapag dinagdagan ng sinuman ang mga bagay na ito, ida­dagdag ng Diyos sa kaniya ang mga salot na aking isinulat sa aklat na ito. 19 Kung binawasan ng sinuman ang mga salita sa aklat ng pahayag na ito, aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi sa aklat ng buhay. Aalisin din ang kaniyang bahagi sa banal na lungsod at mula sa mga bagay na isinulat sa aklat na ito.

20 Siya na nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsabi: Oo, ako ay malapit nang dumating.

Siya nawa. Oo, Panginoong Jesus, dumating ka na.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International