Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
1 Corinto 9:1-16

Ang mga Karapatan ng Isang Apostol

Ako ba ay hindi apostol? Hindi ba ako malaya? Hindi ko ba nakita si Jesucristo na ating Panginoon? Hindi ba kayo ay mga bunga ng aking gawa?

Kung sa ibang tao ako ay hindi apostol, gayunman, sa inyo ako ay isang apostol sapagkat kayo ang tatak ng aking pagka-apostol sa Panginoon.

Ito ang aking tugon sa mga sumisiyasat sa akin. Wala ba kaming karapatang kumain at uminom? Wala ba kaming karapatang magsama ng asawang manananampalataya tulad ng ibang mga apostol at ng mga kapatid sa Panginoon at ni Cefas? Ako lang ba at si Bernabe ang walang karapatang hindi maghanapbuhay?

Sinong kawal, na sa panahon ng kaniyang pagiging kawal, ang naglingkod sa sarili niyang gugol? Sinong nagtatanim sa ubasan ang hindi kumakain ng bunga noon? Sinong nag-aalaga ng tupa ang hindi umiinom ng gatas ng tupa? Sinasabi ko ba ang mga bagay na ito bilang isang tao? Hindi ba sinasabi rin ito ng kautusan? Ito ay sapagkat isinulat ni Moises sa kautusan:

Huwag mong bubusalan ang baka na ginagamit sa paggigiik ng mais.

Ang baka ba ang pinagmamalasakitan ng Diyos?

10 Hindi ba ito ay sinabi niya nang dahil sa atin? Dahil sa atin ito ay isinulat: Ang nag-aararo ay dapat mag-araro sa pag-asa, at ang naggigiik ng mais sa pag-asa ay dapat maging kabahagi ng kaniyang pag-asa. 11 Yamang nakapaghasik kami sa inyo ng mga espirituwal na bagay, malaking bagay ba kung umani kami ng mga bagay na para sa katawan? 12 Yamang ang iba ay kabahagi sa karapatan sa inyo, hindi ba kami rin?

Gayunman, hindi namin ginamit ang karapatang ito. Sa halip, binata namin ang lahat ng bagay upang hindi namin mahadlangan ang ebanghelyo ni Cristo.

13 Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga gumagawa ng mga banal na bagay sa templo ay kumakain mula sa mga bagay na nasa templo? Hindi ba sila na mga naglilingkod sa dambana, ay kabahagi samga handog sa dambana? 14 Sa gayunding paraan, itinalagang Panginoon na sila na nangangaral ng ebanghelyo ay mamumuhay sa ebanghelyo.

15 Ngunit alinman sa mga bagay na ito ay hindi ko ginamit. Hindi ko isinulat ang mga bagay na ito upang ito ay gawin sa akin sapagkat para sa akin mabuti pa na ako ay mamatay kaysa mawalan ng saysay ang dahilan ng aking pagmamalaki. 16 Ito ay sapagkat kahit na ipinapangaral ko ang ebanghelyo, wala akong anumang maipagmamalaki dahil kinakailangan kong ipangaral ito. Ngunit sa aba ko, kapag hindi ko ipangaral ang ebanghelyo.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International