Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
23 Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Moises pagkapanganak sa kaniya ay itinago ng kaniyang mga magulang sa loob ng tatlong buwan sapagakat nakita nilang siya ay magandang bata. At hindi sila natakot sa batas na iniutos ng hari.
24 Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Moises nang siya ay malaki na ay tumangging tawaging anak ng babaeng anak ni Faraon. 25 Pinili niyang magbata ng kahirapan kasama ng mga tao ng Diyos kaysa magtamasa ng panandaliang kaligayahang dulot ng kasalanan. 26 Itinuring niya na ang mga kahihiyan ng Mesiyas ay higit na malaking kayamanan kaysa sa maangkin niya ang mga mahahalagang bagay at kayamanan sa Egipto. Sapagkat nakatuon ang kaniyang mga mata sa gantimpalang darating.
Copyright © 1998 by Bibles International