Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
16 Ito ay sapagkat hindi ko ikinakahiya ang ebanghelyo patungkol kay Cristo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat isang sumasampalataya. Ang ebanghelyo ay una, para sa mga Judio at sunod ay para sa mga Gentil. 17 Ito ay sapagkat sa ebanghelyo, ang katuwiran ng Diyos ay nahayag mula sa pananampalataya patungo sa pananampalataya. Ayon sa nasulat:
Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
22 Ang katuwirang ito ng Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Ito ay para sa lahat at sa kanilang lahat na sumampalataya dahil walang pagkakaiba. 23 Ito ay sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. 24 Ang lahat ay pinapaging-matuwid ng Diyos nangwalang bayad sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, sa pamamagitan ng katubusan na na kay Cristo Jesus. 25 Siya ang itinalaga ng Diyos na maging kasiya-siyang handog sa pamamagitan ng pagsampalataya sa kaniyangdugo, upang ipakita ng Diyos ang kaniyang katuwiran ay ipinagpaliban niya ang kahatulan sa mga nakalipas na kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang kahinahunan. 26 Ginawa niya ito upang ipakita ang kaniyang katuwiran sa kasalukuyang panahon sapagkat siya ay matuwid at tagapagpaging-matuwid sa kanila na sumasampalataya kay Jesus.
27 Saan pa makapagmamalaki? Wala na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? Sa pamamagitan ba ng mga gawa? Hindi, kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya. 28 Kaya, kinikilala natin na ang tao aypinapaging-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, hiwalay sa mga gawa ng kautusan.
29 Hindi ba ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Judio? Hindi ba Diyos din siya ng mga Gentil? Oo, Diyos din siya ng mga Gentil. 30 Ito ay sapagkat iisa ang Diyos na magpapaging-matuwid sa mga nasa pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya at sa mga nasa hindi pagtutuli ay sa gayunding pananampalataya. 31 Ginagawa ba nating walang bisa ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari. Sa halip ay pinalalakas natin angkautusan.
21 Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, ay makakapasok sa paghahari ng langit, kundi ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Sa araw na iyon ay marami ang magsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, hindi ba sa iyong pangalan ay naghayag kami ng salita katulad ng mga propeta, at sa iyong pangalan ay nagpalayas kami ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa kami ng maraming himala? 23 Pagkatapos nito ay ipahahayag ko sa kanila: Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong hindi kumikilala sa kautusan ng Diyos.
Ang Matalino at Mangmang na Tagapagpatayo
24 Kaya nga, ang sinumang dumirinig sa mga pananalita kong ito at isinasagawa ang mga ito, ay maihahalintulad ko sa isang lalaking matalino na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng bato.
25 Bumuhos ang ulan at bumaha. Umihip ang malakas na hangin at hinampas ang bahay na iyon, ngunit hindi bumagsak. Ito ay sapagkat itinayo niya iyon sa ibabaw ng bato. 26 Ang bawat isa na dumirinig ng mga pananalita kong ito at hindi isinasagawa ay maihahalintulad ko sa isang lalaking mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng buhanginan. 27 Bumuhos ang ulan at bumaha. Umihip ang malakas na hangin at hinampas ang bahay na iyon. Bumagsak ito at lubusang nawasak.
28 Nangyari nga, nang matapos na ni Jesus ang mga pananalitang ito, ang mga tao ay nanggilalas sa kaniyang turo. 29 Ito ay sapagkat siya ay nagturo sa kanila tulad ng may kapamahalaan at hindi tulad ng mga guro ng kautusan.
Copyright © 1998 by Bibles International