Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
2 Corinto 1:18-22

18 Ang Diyos ay tapat upang ang aming salita sa inyo ay hindi maging oo at hindi. 19 Ang Anak nga ng Diyos na si Jesucristo ay aming ipinangaral sa inyo, ako, kasama sina Silas at Timoteo. Hindi namin siya ipinangaral na oo at hindi kundi siya ay laging oo. 20 Ito ay sapagkat ang lahat ng pangako ng Diyos ay oo sa kaniya, at sa kaniya ang siya nawa, para sa kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan namin. 21 Ang Diyos ang nagpapatatag at nagtalaga sa amin kasama ninyo sa pamamagitan ni Cristo. 22 Siya rin ang nagtatak saamin at nagbigay ng katiyakan na siya ang Banal na Espiritu sa aming puso.

Marcos 2:1-12

Pinagaling ni Jesus ang Paralitiko

Makalipas ang ilang araw muling pumasok si Jesus sa Capernaum. Kumalat ang balita na siya ay nasa isang bahay.

Kaagad na natipon ang maraming tao, anupa’t wala nang matayuan kahit na sa may pintuan. Ipinangaral niya ang salita sa kanila. At pumunta sa kaniya ang apat na tao na pasan-pasan ang isang paralitiko. Hindi sila makalapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, kayat binakbak nila at binutasan ang bubong sa tapat niya. Kanilang inihugos ang higaan na kinararatayan ng paralitiko. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko: Anak, pinatawad na ang mga kasalanan mo.

Ang ilang mga guro ng kautusan na nakaupo roon ay nagtatalo-talo sa kani-kanilang sarili: Bakit namumusong ng ganito ang taong ito? Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan? Hindi ba ang Diyos lamang?

Nang matalos ni Jesus sa kaniyang espiritu ang kanilang pagtatalo, sinabi niya sa kanila: Bakit ninyo pinagtatalunan ang mga bagay na ito? Alin ba ang higit na madaling sabihin sa paralitiko: Pinatawad na ang iyong mga kasalanan o tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka? 10 Upang inyong malaman na ang Anak ng Tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan, sasabihin ko ito sa kaniya: 11 Sinasabi ko sa iyo: Tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka sa iyong bahay. 12 Kaagad na tumindig ang paralitiko at binuhat ang kaniyang higaan at umalis sa harapan nilang lahat. Kaya nga, ang lahat ay namangha at niluwalhati ang Diyos na nagsasabi: Kailanman ay hindi tayo nakakita nang ganito!

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International