Font Size
Revised Common Lectionary (Semicontinuous) / Psalm 41 (Heal me O God); Isaiah 39:1-8 (A gift for a healed king); Luke 4:38-41 (The healing at Simon’s house) (Ang Salita ng Diyos)
Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Lucas 4:38-41
Pinagaling ni Jesus ang Maraming Tao
38 Siya ay tumindig at lumabas sa sinagoga, siya ay pumasok sa bahay ni Simon. Ang biyenang babae ni Simon ay pinahihirapan ng mataas na lagnat. Hiniling nila kay Jesus na pagalingin siya.
39 Tumayo si Jesus sa tabi niya at sinaway ang lagnat at ito ay nawala. Kapagdaka, siya ay bumangon at pinaglingkuran sila.
40 Nang papalubog na ang araw, dinala nila kay Jesus ang mga taong may iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. 41 Lumabas din ang mga demonyo sa marami sa kanila. Ang mga demonyo ay sumisigaw at nagsasabi: Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos! Sila ay sinaway niya at hindi pinagsalita dahil alam nila na siya ang Mesiyas.
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International