Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Version
3 Juan 2-8

Minamahal, ang hangad ko ay sumagana ka sa lahat ng bagay at magkaroon ka ng mabuting kalusugan gaya naman ng kasaganaang taglay ng iyong kaluluwa. Labis akong nagalak nang dumating ang mga kapatid at nagpatotoo patungkol sa katotohanan na nasa iyo at kung paano ka lumalakad sa katotohanan. Wala nang hihigit pang kagalakan sa akin kundi ang marinig ko na ang aking mga anak ay lumalakad sa katotohanan.

Minamahal, ginagawa mong may katapatan ang anumang iyong ginagawa sa mga kapatid at sa mga dayuhan. Sila ang mga nagpapatotoo sa iglesiya patungkol sa iyong pag-ibig. Sa tuwing tinutulungan mo sila sa kanilang paglalakbay sa paraang karapat-dapat sa Diyos. Mabuti ang ginagawa mo. Ito ay sapagkat sila ay humayo alang-alang sa kaniyang pangalan na walang kinuhang anuman sa mga Gentil. Kaya nga, dapat nating tanggapin ang mga tulad nila upang makasama natin sila sa paggawa ng katotohanan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International