Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 121

Ang Panginoon ang tagapagingat ng kaniyang bayan. Awit sa mga Pagsampa.

121 Ititingin ko ang aking mga mata sa (A)mga bundok;
Saan baga manggagaling ang aking saklolo?
(B)Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
(C)Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nagiingat sa iyo, ay (D)hindi iidlip.
Narito, siyang nagiingat ng Israel
Hindi iidlip ni matutulog man.
Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo:
Ang Panginoon ay (E)lilim mo sa iyong kanan.
Hindi ka sasaktan (F)ng araw sa araw,
Ni ng buwan man sa gabi.
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
Kaniyang (G)iingatan ang iyong kaluluwa.
(H)Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok,
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

Isaias 51:1-3

Ang Panginoon ay makatutulong at tutulong sa nagtitiwala sa Kaniya.

51 Kayo'y magsipakinig sa akin, (A)kayong nagsisisunod sa (B)katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo.

Tingnan ninyo si Abraham na (C)inyong ama, at si Sara na nanganak sa inyo; (D)sapagka't nang siya'y iisa ay tinawag ko siya, at (E)aking pinagpala siya, at aking pinarami siya.

Sapagka't (F)inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang (G)sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay (H)parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam.

2 Timoteo 1:3-7

Nagpapasalamat ako sa Dios, na (A)mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing (B)malinis, (C)na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw

Na kinasasabikan kong makita kita, (D)na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan;

Na inaalaala ko (E)ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay (F)Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.

Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo (G)na paningasin mo ang kaloob ng Dios, (H)na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.

Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; (I)kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng (J)kahusayan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978